SUHOL NI GLORIA
DOWNPAYMENT PA LANG

JDV sa Malacañang:
Linisin ang gabinete

GMA, ubos na ang 
oras mo! - Ping

Civil war nakaumang na

Alan ipinasisibak sa blue ribbon

MALACAÑANG, BINALAAN LABAN SA ‘PAGPAPARUSA’ KAY PANLILIO


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

JDV sa Malacañang:
Linisin ang gabinete

(Bernard Taguinod/Rose Miranda)


Hindi man direkta, mistulang iniutos ni House Speaker Jose de Venecia kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sibakin na sa kanilang puwesto ang kalahati sa kanyang gabinete.

Maliban dito, pinalilinis din ni De Venecia sa pangulo ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Philippine National Police (PNP), Local Government Units (LGUs).

Ginawa ni De Venecia ang naturang pahayag habang inihahanda ang kanyang sulat kay Arroyo na nananawagan ng moral revolution, kung talagang nais umano ng Malacañang na mabawasan kundi man tuluyang malubog sa katiwalian ang pamahalaan.

"The President can take the dynamic lead in moving to eradicate corruption in this country. She has the power to do it because she can cleanse the Cabinet, she can cleanse the BIR, the police and even the local government units," pahayag ni De Venecia.

Subalit sa isang panayam sa radyo kay De Venecia, tumanggi itong magsalita kung mayroon itong nalalaman na mga miyembro ng gabinete na sangkot sa katiwalian.

Kaugnay nito, hindi naman minamasama ng Malacañang ang pinakahuling banat ni De Venecia kay Pangulong Arroyo.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary at acting Political Adviser Ronaldo Puno na hindi sila basta maniniwala sa anumang napapaulat sa media dahil kumpiyansa siya na solido pa rin ang samahan ng punong ehekutibo at House speaker.

Katwiran ni Puno, lahat naman ng taga-gobyerno ay tulad ni De Venecia na humihiling na maparusahan ang mga corrupt na opisyal sa pamahalaan at hindi umano nagkukulang dito si Pangulong Arroyo sa pamamagitan ng trabaho ng Presidential Anti-Graft Commission. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top