SUHOL NI GLORIA
DOWNPAYMENT PA LANG

JDV sa Malacañang:
Linisin ang gabinete

GMA, ubos na ang 
oras mo! - Ping

Civil war nakaumang na

Alan ipinasisibak sa blue ribbon

MALACAÑANG, BINALAAN LABAN SA ‘PAGPAPARUSA’ KAY PANLILIO


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Isang mag-ina ang nag-alay ng mga bulaklak sa commemorative stone kaugnay ng pandaigdigang kampanya laban sa kahirapan na inilunsad ng United Nations kahapon sa Rizal Park. Kabilang ang Pilipinas sa 191 bansa na lumagda sa Millennium Declaration na layuning sugpuin ang kahirapan, gutom, mga sakit, pagkasira ng kalikasan at diskriminasyon pagdating ng taong 2015. (AP)

SUHOL NI GLORIA
DOWNPAYMENT PA LANG

(Bernard Taguinod)


Advance payment lamang umano ang natanggap na suhol o ‘cash gift’ ng maraming miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at mga gobernador mula sa Malacañang.

Kapalit ng impormasyong ito, sinabi ng isang kongresista na ayaw pabanggit ng pangalan na ang sobreng naglalaman ng P200,000 hanggang P500,000 na ibinigay ng Malacañang sa mga mambabatas at mga gobernador noong Oktubre 11 ay "pauna lamang".

"They told us that we’ll have more if we don’t turn our back to the president," pahayag ng kongresista na aminadong nakakuha ng P200,000 na nakasilid naman sa yellow envelope.

Tulad ni Pampanga Governor Ed Panlilio, hindi umano sinabi sa mga kongresista kung para saan ang naturang pera subalit dahil kailangan ang pera para sa kanyang constituents ay kinuha ito ng impormante.

"Marami kasi ang lumalapit sa amin kapag nasa distrito kami. Magkano lang naman ang suweldo namin, hindi kasya kung ‘yun ang gagamitin namin sa mga humihingi ng financial assistance," anang kongresista.

Nang tanungin kung sino ang nag-abot sa kanya sa sobre, tumanggi itong magsalita maliban sa "top man of the top officials in Malacañang."

Ayon naman kay Nueva Ecija Rep. Edno Joson, lalong mabubusog ang mga congressman sa payola kapag nagsimula na ang impeachment proceedings laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

"Mas marami ang darating kapag nagsimula na iyan. Hindi pa nga nagsisimula, umuulan na, ano pa kaya kung simulan na," ayon sa independent congressman na si Joson.

Bagama’t inendorso na sa House rules committee ang impeachment complaint laban kay Arroyo, magsisimula pa lamang ang labanan sa pagbabalik ng Kongreso sa Nobyembre.

Sa Senado, ikinatuwa ng opposition bloc ang pagpapalakas ng impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo bilang kapalit sa dispalinghadong reklamong isinampa ni Atty. Roel Pulido.

Bagama’t isa sa magsisilbing judge kapag umakyat sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang matinong impeachment case laban kay Mrs. Arroyo, ikinatuwa ni Senate minority floor leader Aquilino "Nene" Pimentel Jr., ang pagkilos ng oposisyon sa Kamara para palakasin ang reklamo.

"Nation needs real impeach case to address total breakdown legal structures and moral values of GMA administration," ani Pimentel.

Sa panig ng Malacañang, ngayon pa lamang ay hinuhulaan na ni Chief Presidential Legal Counsel Sergio Apostol na walang mangyayari sa nilulutong impeachment ng oposisyon.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni Apostol na nag-aaksaya lamang ng oras ang oposisyon dahil hindi puwedeng maikunsidera ang impeachment complaint ng mga ito hangga’t hindi iwini-withdraw ang naunang impeachment complaint na inihain ni Atty. Pulido at inendorso ni Laguna Rep. Edgar San Luis.

Kahapon ay ipinahayag ni Pulido ang kahandaang i-withdraw ang kanyang reklamo kung may ipapasok na impeachment complaint ang oposisyon.

Subalit ayon kay Apostol, mai-withdraw man ang Pulido complaint, wala ring bigat ang ihahaing reklamo ng oposisyon dahil walang direktang ebidensya laban kay Pangulong Arroyo sa suhulan.

"Pure speculations kaya madya-junk din ‘yan, It’s a waste of time," ani Apostol.

Kaugnay pa nito, sinabi ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino na kailangang pangunahan ni Speaker Jose De Venecia ang pag-amyenda sa Rules of Impeachment para mabigyan-daan ang consolidation ng mga reklamo upang magkaroon ng pag-asa ang ihahaing impeachment ng United Opposition (UNO).

"Nai-refer na kasi yung Pulido complaint. Pero malaki pa ang pag-asa kung seseryosohin talaga ni JDV ang UNO complaint," ani Casino.

"Kailangang lang payagan na maglabas ng ebidensya at i-consolidate ang UNO complaint sa Pulido complaint. Or aprubahan ng 80 members ng House," ani Casino. (With Rey Marfil/Rose Miranda)

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top