Reklamo ng Migrante
PINAY DH NA NAMATAY
SA CANADA, PINABAYAAN

US citizen timbog sa marijuana

Bebot na pusher, 4 pa swak raid

Professor ninakawan

Mag-utol nabitag sa buy-bust

Toy gun ginamit sa panghoholdap

100 rugby boys dinampot sa Maynila


Top Stories

Hulaan Blues  


 

CRIME STORIES

Positibong itinuro ni Natividad Alcantara ang suspek na si Benjie Ulatan na siyang humablot umano sa suot niyang hikaw habang naglalakad sa Carriedo St., Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon. Bumalik kahapon sa Manila City Hall Detachment ang biktima at positibong kinilala ang suspek na nasakote ng taumbayan matapos magsisigaw si Alcantara. (Devery Mark Alegata)

Reklamo ng Migrante
PINAY DH NA NAMATAY
SA CANADA, PINABAYAAN

Ni Bernard Taguinod at Vladi Eduarte


Nangangamba ang Migrante International na posibleng mapabilang sa mga kaso ng mga Filipina domestic helpers (DH) sa ibang bansa na hindi nabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng isang Pinay na namasukan bilang kasambahay sa Canada.

Napag-alaman na nakatakdang dumating ngayong araw na ito ang labi ng Pinay DH na si Jocelyn Dulnuan, na namatay noong Oktubre 1, 2007 sa loob ng bahay ng kanyang employer sa Mississauga City, Ontario, Canada. Dadalhin ang labi ni Dulnuan sa kanilang bayan sa Ifugao.

Ipinahayag naman ni Connie Regalado, chairman ng Migrante, na posibleng hindi makamit ng mga kaanak ni Dulnuan ang katarungan, dahil sa kawalan umano ng interes ng gobyerno na isulong ang kaso.

Nabatid kay Regalado na umaabot na sa 20 ang bilang ng mga manggagawang Filipino ang namatay at pinatay sa iba’t ibang bansa, subalit hanggang ngayon ay mailap ang katarungan.

Malamang na mapabilang umano sa mga naturang kaso si Dunluan na hanggang ngayon, hindi malaman kung paanong namatay bagama’t may suspetsa ang Migrante na sinadyang patayin ito.

Kinastigo rin ng Migrante ang gobyernong Arroyo, dahil hindi makakuha ng kompensasyon si Dulnuan, dahil kulang umano ang mga papeles nito sa pagtatrabaho sa Canada.

Ayon kay Regalado, tulad ng marami, kasama si Jocelyn sa mga nagpapadala ng dolyares na bumubuhay sa ekonomiya ng bansa, subalit kapag nasasangkot na sa karahasan ay pinapabayaan.

35 OFWs sa death

row, pinasasalba

Samantala, kinalampag din ng Migrante ang DFA para igiit na gumawa na ng paraan para alamin ang magiging kalagayan ng 35 overseas Filipino workers (OFWs) na kasalukuyang nasa death row sa iba’t ibang panig ng mundo.

Alas-10:30 kahapon ng umaga nang mag-piket sa harap ng tanggapan ng DFA ang mga miyembro ng Migrante at kinondena ang anila’y "usad-pagong" na pagkilos ng gobyerno, para maaksiyunan at magawan ng paraan para mapigilan ang pagbitay sa mga OFWs na nasa death row.

Isa sa mga OFWs na pinasasaklolohan ng Migrante ay si Marilou Ranario, 35, na nasa kulungan sa Kuwait, dahil kinasuhan ng pagpatay sa kanyang amo sa Najat Faraj Mobarak noong Enero, 2005. Ang kaso ni Ranario ay dinidinig sa Supreme Court ng Kuwait at inaasahang ibababa na ang hatol sa kanya, sa pagpasok ng darating na taon.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top