October 17, 2008 -Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
 
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
  HOME
  HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
 
 
 
 
 
 
 
 
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
Paano tutulungan ang nais magpakamatay
Kuya Rom
 

Dear Kuya Rom,
Ako at ng misis ko ay kapwa lumaki sa isang mahirap na pamilya at hindi nakatapos ng pag-aaral. Parehas kaming may trabaho at umaasa sa kitang minimum wage. Dahil dito hindi namin kayang tumira sa isang tahimik at ligtas na lugar.
Ang aming lugar noong una ay tahimik, ngunit nang pumasok ang isang sindikato ay naging magulo na -- may nakatagong pagawaan ng droga, may bahay-sugalan, at may lugar kung saan nag­lulungga ang mga isnatser. Kadalasan ay sinisisi ang kahirapan, pero kaming mag-asawa ay nagsusumikap na mamuhay ng marangal.
Isang araw ay may nangyaring masama sa aming panga­nay na isang 14-anyos na babae. Naglihim siya sa amin. Tatlong buwan na sinarili niya ang problema. Hanggang sa hindi na niya maikubli sa amin ang pangyayari. Buntis siya at napilitang magtapat. Ginahasa raw siya ng tatlong lalaki sa loob ng bahay namin. Ipinaalam namin ito sa pulisya pero wala pa ring resulta.
Kaming mag-asawa ay walang kakayahang tulungan ang aming anak, kaya’t minsan ay nagtangkang magpasagasa sa tren. Salamat na lamang at nakita siya ng kanyang kaibigan. Paano ba namin siya matutulungang maalis niya sa isip ang pagpapakamatay at malagpasan niya ang paghihirap ng loob? -- Caloy
Dear Caloy,
Una, tumulong na magkaroon ng liwanag ang nagdidilim niyang kaisipan. Ipaliwanag mo sa kanya na hindi gawa ng Diyos ang nangyari sa kanya. Wika ni Jesus ang gawain ng diyablo ay para “magnakaw, pumatay at magwasak. Ngunit Ako ay naparito upang bigyan kayo ng buhay na ganap at kasiya-siya.” Ninakaw ang puri at winasak ang buhay ng iyong anak ng diyablo; ngayon ay balak nitong patayin siya at itinutulak na magpakamatay. Ngunit ang kalooban ng Diyos ay bigyan ng buhay na ganap at kasiya-siya ang iyong anak.
Pangalawa, linawin mo sa iyong anak na kahit siya ay makasalanan, hindi siya pinarurusahan ng Diyos sa pamamagitan ng ganitong napakasamang karanasan. Ang kalooban ng Diyos ay magsisi ang makasalanan at lumapit sa Kanya upang makatagpo ng kapatawaran at bagong buhay.
Pangatlo, gabayan mo ang iyong anak na huwag isiping malayo ang Diyos sa kanya. Maaaring sinusumbatan niya ang Diyos ng ganito, “Kung ikaw ay Diyos, nasaan ka noong ako’y ginagawan ng masama?” Nasaan ang Diyos? Siya ay nasa puso ng isang kaluluwang inaapi, naghihirap ang loob, nawawalan ng pag-asa. Batid ng Diyos ang sakit na dinanas at dinaranas ng iyong anak. Ang wika ni Jose nang harapin niya ang kanyang mga kapatid na nagpahirap sa kanya ay ito, “Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan...”
Ginawan ng masama si Jose at siya ay naghirap, ngunit sa bandang huli’y ginawa siya ng Diyos na gobernador ng Ehipto. Nagtagumpay si Jose sapagkat siya ay may pananalig sa Diyos . Ito naman ang patotoo ni David, “Lubos akong nanlulumo sa hirap ko at dalita, gabi-gabi ang banig ko’y natitigmak sa pagluha; at pati na ang unan ko, sa luha ay basang-basa. Sa labis kong kaiiyak, ang mata ko’y magang-maga, halos ‘di na makakita, kaaway ko ang may gawa...yamang itong panaghoy ko ay dininig ng Maykapal; narinig na ang hibik ko, ang dalangin na tulungan, tinugon na niya ako, sa lahat kong panawagan.”Tulungan mo ang iyong anak na panghawakan ang pangako ng Diyos, “Tumutulong Siya sa nasisiphayo; ang walang pag-asa’y hindi binibigo.”
Payong kapatid,
Kuya Rom

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES