October 17, 2008 -Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
 
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
  HOME
  HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
 
 
 
 
 
 
 
 
Abante Online
HEADLINES
 
Firing squad sa Pinay
(Aries Cano)
 

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang nahatulan ng firing squad dahil sa kasong pagpatay at pagnanakaw.
Kinilala ng Migrante International ang nasentensiyahang Pinoy migrant na si Nemencia P. Armia na inakusahan ng pagnanakaw at pagpatay sa isang Taiwanese national noong Setyembre 12, 2007.
Sa ipinalabas na press statement ng Migrante, frame-up umano ang nang­yari at inginuso ng nahatulan ang dalawang Taiwanese national na siyang tunay na sangkot sa pagpatay.
Dahil sa kinasapitan ni Armia, nanawagan ang grupong Migrante at pamilya ni Armia kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kumilos sa problema bago pa mahuli ang lahat.
Samantala, wala pang natatanggap na impormasyon o kumpirmasyon ang tanggapan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Claro Cristobal sa kaso.
Kaugnay nito, magsasanib ang Migrante at mga kaanak ng hinatulang Pinay upang umapela ng tulong ngayong araw sa iba’t ibang sektor.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES