October 17, 2008 -Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
 
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
  HOME
  HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
 
 
 
 
 
 
 
 
Abante Online
HEADLINES
 
Bagong rollback nilait
(Irwin Corpuz)
 

Tahasang nilait at inakusahan pang nang-uuto lamang ang mga oil companies sa kanilang papisu-pisong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) Sec. General George San Mateo na hindi sapat ang ginawang panibagong pisong rollback kahapon ng mga oil companies dahil umabot na sa $75 kada bariles ang presyo ng krudo sa world market.
“’Yang papisu-pisong pag-rollback ng mga oil companies e mistulang pinag-uuto ang sambaya­nan, kelangan i-rollback nila sa presyong P37 kada litro ang diesel para naman ang mga tsuper e makaahon sa bigat ng mga gastusin sa pagpapagasolina,” pahayag ni San Mateo.
Dakong alas-sais ng umaga kahapon nang mag-anunsyo ang Petron, Shell at Eastern Petroleum ng pisong rollback kada litro ng diesel, kerosene at gaso­lina kung saan pagsapit ng tanghali ay sumunod namang nagbawas din ng piso kada litro ang Total at Chevron.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES