October 17, 2008 -Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
 
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
  HOME
  HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
 
 
 
 
 
 
 
 
Abante Online
HEADLINES
 
Milyones sa Russia scandal kotong o komisyon?
Nina Bernard Taguinod, Rey Marfil at Boyet Jadulco
 

Dahil sa kahihiyang idinulot ng mga tinaguriang Euro generals na delegado 77th Interpol General Assembly sa Russia, na nahulihan ng 120,000 euros o katumbas ng P7.5 mil­yon, mag-iimbestiga ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan galing ang perang ito na umano’y contingency fund ng mga delegado ng Philippine National Police (PNP) sa nasabing kumperensya.
Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casiño, magpapatawag ito ng imbestigasyon para malaman kung saan ga­ling ang perang nahuli sa misis ni retired Gen. Eliseo dela Paz.
Sinabi ni Casiño na wala itong maaalalang pera ng PNP para mapabaunan ang kanilang contingent ng ganitong kalakihang halaga sa isang kumperensya na magtatagal lamang ng ilang araw.
Sakali man aniyang lehitimo ang kumperensya, hindi aniyang makataru­ngan na ganito kalaki ang baon ng mga police gen­rals na bitbit ang kanilang misis sa kumperensya na wala namang kinalaman sa trabaho ng kanilang mga asawa.
“Was the amount discovered a kotong money or a commission for some contracts? At this time of economic hardship the incident was a shameless abuse of taxpayers if this fund is a taxpayers money,” ani Casiño.
Pinaghahanda rin ni Casiño sina PNP Director General Jesus Versosa at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno ukol sa pagsabit ng kanilang mga tauhan sa kontrobersyang ito.
Labis na nagtataka si Casiño kung bakit pinadalo pa sa kumperensya si Dela Paz na paretiro na kung saan kasama pa nito ang kanyang misis.
Hindi rin paliligtasin umano ni Casiño ang kumakalat na ulat na diumano ay hindi totoong dumadalo sa kumperensya ang ipinadalang delegado ng PNP.
Samantala, sa dami ng eskandalong tinutulugan ng Office of the Ombudsman, ikinabahala naman ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson ang posibleng ‘whitewash’ sa eskandalong nilikha ng mga police general sa Russia trip.
Inihalimbawa pa ni Lacson ang kaso ni dating Justice Secretary Hernando ‘Nani’ Perez, tinaguriang “Million Dollar Man’ kung saan makailang-beses na aniyang nadidiskaril ang pagdinig ng kaso.
“Oo, ‘yung kay Nani Perez nga hanggang nga­yon postponed ng postponed eh,” ani Lacson sa kaso ni Perez.
Sinabi naman ni Sen. Richard Gordon na posibleng matulad si Dela Paz sa sinapit ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller Carlos F. Garcia na nasabit din dahil sa pagdadala sa Estados Unidos ng napalaking halaga ng pera.
Ayon kay Gordon, nagsimula ang kalbaryo si Garcia nang mahuli ang kanyang anak sa pagdadala ng US$100,000 sa Amerika noong Disyembre 2003 kung kaya’t nabuksan ang imbestigasyon hinggil sa hidden wealth nito.
“Parehong-pareho ‘yung nangyari sa kanila, pareho din silang comptroller,” wika ni Gordon.
Sa panig ng PNP, ipinatigil muna ni Verzosa ang lahat ng foreign trips ng lahat ng opisyal ng pulisya habang iniimbestigahan ang kaso ni Dela Paz. 
“Epektibo ngayong araw, lahat ng biyaheng abroad ng lahat ng personnel ng PNP kasama na ang mga nauna nang naaprubahan ay suspendido muna habang magkakaroon ng pag-aaral sa polisiya, guidelines, procedures at regulasyon at patakaran hinggil sa mga foreign trips,” ani Verzosa.
Nabatid pa na bukod kay Dela Paz at sa asawa nito, nakabalik na ang iba pang heneral na kasama sa delegasyon ng PNP na kinabibilangan nina Plans Director Romeo Ricardo, Human resource and Doctrine Development Director German Doria, Operations Director Silverio Alarcio Jr., at delegations secreta­riat Supt. Elmer Pelobello. (With JB Salarzon)

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES