OCTOBER 14, 2012 SUNDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
October 13,2012
As of 3:30 pm
U. States 41.4900
Bahrain Dinar 110.065
Can Dollar 42.3519
Euro 53.7505
Aus Dollar 42.4609
HK Dollar 5.35244
Japan Yen 0.529074
Saudi Riyal 11.0637
S’pore Dollar 33.9442
Taiwan Dollar 1.41943
UAE Dirham 11.2984
UK Pound 66.6765
 
Custom Search
Kris at Benjamin, malakas ang chemistry
Shalani, makikipagsabayan kay Lani
 
 

NAGKAROON ng tensyon sa unang araw ng shooting ng Suddenly It’s Magic dahil tinotoo ni Erich Gonzales ang pagsampal kay Mario Maurer.

Bawal sa mga Thai ang sampalin sa mukha kaya nag-react ang mga Thai companion ni Mario na nagulat din dahil hindi nito inaasahan na tototohanin ni Erich ang pagsampal sa kanya.

Humingi ng paumanhin ang direktor na si Rory Quintos kay Mario at sa mga kasamahan ng Thai actor.
Ipinaliwanag ni Rory na hindi dinadaya ng mga Pilipino ang mga eksena ng sampalan.

Cultural difference ang tawag ni Rory sa insidente dahil noon lang niya nalaman na daya ang mga slapping scene sa Thai movies.

***

Kung totoo ang matandang paniniwala na nasasamid ang isang tao na pinag-uusapan, baka nabilaukan at hindi lamang nasamid si Mario dahil siya ang topic ng co-stars niya sa presscon ng Suddenly It’s Magic.

Puro papuri tungkol kay Mario at sa magandang ugali niya ang ikinuwento ng kanyang mga kasamahan sa pelikula nila ni Erich Gonzales na mapapanood sa mga sinehan sa October 31.

Magalang at masaya raw na kasama ang Thai actor na walang kayabang-yabang sa katawan, kahit superstar siya sa Thailand.

Mula nang gawin nila ang Suddenly It’s Magic, natuto si Mario na dugtu­ngan ng po at opo ang kanyang pagsasalita.

Bilib na bilib si Erich kay Mario dahil sa makinis na balat nito. Wala raw pores sa mukha ang kanyang leading man na palaging fresh ang itsura.

Hinangaan din ni E­rich ang pagiging mapagmahal na boyfriend ni Mario. Nakilala niya ang girlfriend ni Mario nang mag-shooting sila sa Bangkok.

Hindi raw katulad si Mario ng ibang aktor na itinatago ang girlfriend dahil baka makaapekto ito sa kanilang career.

***

“Ma-Rio” at hindi Mario or Maryo ang pronunciation ng cast ng Suddenly It’s Magic sa pangalan ni Mario.

Binago ng co-stars ang pagbigkas sa pangalan ng Thai actor dahil narinig nila na “Ma-Rio” ang tawag kay Mario ng Thai companions nito.

Ang Suddenly It’s Magic ang first Filipino film ni Mario. Ayon kay Rory, si Mario ang pumili sa kuwento ng pelikula na gagawin niya at si Erich ang kanyang personal choice bilang kapareha.

***

Nasubaybayan namin ang pagsisimula ng Coffee Prince, ang GMA 7 primetime show na tinatampukan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Kung may napansin man kami, ito ay ang strong chemistry nina Kris at Benjamin Alves.

Malakas ang che­mistry ng dalawa sa mga eksena nila sa Coffee Prince, isang bagay na baka hindi ikatuwa ng fans nina Aljur at Kris.

***

Isang exciting episode ang mapapanood nga­yong tanghali sa Game ‘N Go ng TV5 dahil sa special participation ni Lani Misalucha.

Kaabang-abang ang guesting ni Lani sa noontime show ng Kapatid Network dahil sa duet nila ni Shalani Soledad-Romulo. Unti-unti nang ipinapakita ni Shalani ang hilig niya sa pagkanta sa ‘Singgaling Go’ portion ng Game ‘N Go.

Walang balak si Shalani na magpahuli sa husay sa pagkanta ni Lani.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION