|
UST-SSC title showdown sisimulan James napilay, Pistons dinurog ang Cavaliers Purefoods, Red Bull kakapit sa puwesto
|
SPORTS
UPDATE
‘MAIL’ HUMIRIT
Laro bukas 3 p.m. – Mail And More and Toyota Balintawak Nalusutan ng Mail and More sa Pharex, 75-70, para makapuwersa ng sudden death kontra Toyota Balintawak para sa quarterfinal bonus sa 2008 PBL V-Go Extreme Energy Drink kahapon sa The Arena sa San Juan City. Binasag ni Marcy Arellano ang tablang iskor na 68-68 sa pamamagitan ng dalawang charities habang nagdagdag si Khiel Misa ng dalawa may siyam na segundo pa sa laro para maiselyo ang panalo at tumapos sa pool round na may 5-5 kartada -- kaparehong record ng Toyota Balintawak na naunang sinopla ng Bacchus Energy Drink, 71-51. Paglalabanan ng Mail And More at Toyota Balintawak ang second twice-to-beat advantage bukas ng alas-tres ng hapon. Ang Bacchus Raiders na may siyam na sunod na pagkatalo, at nagsilbing spoiler sa Roadkings, ay nagpakita ng magandang laro mula sa opening quarter upang isara ang season-opening tournament sa tagumpay. Ang panalo ay isang malaking konsolasyon para sa Raiders matapos maging kauna-unahang koponan na napatalsik sa torneo. Nahawakan pa ng Raiders ang kanilang pinakamalaking kalamangan, 62-37, mula sa back-to-back baskets ni guard Robert Labagala sa simula ng fourth period. Sa first game, ginamit naman ng Harbour Centre ang matinding pagsiklab sa second quarter upang kanawin ang San Mig Coffee, 87-75. Hawak ang manipis na 29-26 lead, ang Batang Pier, na target ang ikaapat na sunod na korona, ay nagpakawala ng 22-10 run upang maiposte ang 51-36 bentahe sa halftime. Nakapiglas pa sila ng todo sa 67-42 bago makapag-rally ang Coffee Kings upang maibaba ang kanilang deficit sa 66-77 ngunit agad namang inapula ito ni Benedict Fernandez sa naibuslong tres.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|