Pinakabatang Formula 1 na kampeon sa edad na 23 years at 26 days(binura ang record ni Fernando Alonso na 24 yrs. old & 58 days. Sa loob ng walong buwan, nag-iba ang tadhana ni Lewis Hamilton sa tagumpay na nakamit nang tumila ang usok sa labing-walong F1 races mula Australia noong Marso hanggang Brazil nitong nakalipas na Nobyembre. From a pretender to a contender ng taong 2007, naging bayani sa 2008 para sa Great Britain sa pagsampa sa unang puwesto sa podium pagkatapos ang isang puntos na ungos kay Kimi Raikkonen ng Team Ferrari sa huling takbo ng F1 racing kamakailan.
May magandang kwentong nakabalot sa katauhan nitong si Lewis Hamilton. Mantakin mo na noong taong 1995, sa edad na sampung taon, ay nilapitan niya si Ron Dennis, lider ng McLaren & Mercedes F1 Team pagkatapos ng isang karera at winika na balang araw ay magmamaneho siya para sa team na hawak ni Ron Dennis sa F1 racing. Tatlong taon ang lumipas, sa gulang na trese anyos ay nakuha na nga ang binatilyo sa McLaren & Mercedes young driver support program.
Nagdilang-anghel ba o saksakan ng tindi ng ambisyon at konsentrasyon sa murang edad upang humataw agad at bumulusok sa F1 racing? Dagdag mo pa dito na labing-dalawang taon pagkatapos mag-predict na siya ay magiging propesyonal na race car driver ay umandar na si Lewis Hamilton sa mundo ng F1 racing taong 2007 at muntik ng makuha ang kampeonato sa unang salta pa lamang at nagtapos sa ikalawang pwesto ng mabigong magtapos sa huling karera ng taong 2007 upang maungusan ni Fernando Alonso ng isang puntos sa kampeonato.
Sabi nila, champions are made when they overcome adversities. Wala pang isang taon na lumipas ay pinatotoo na ni Lewis Hamilton ang kasabihang ang “tao” ang gumuguhit ng sarili niyang tadhana. Tama nga ang sabi ng mga nakakatanda, sa bawat kabiguan na masasalubong ay mas mahalaga ang pagbangon sapagkat dito masusukat ang karakter ng isang tao, atleta man o simpleng tao. Mangangayaw ka ba at maghahanap ng mga rason upang masisi? Maghihirap ka bang muli at nagsisimula sa wala at unti-unting kakargahan ng kumpiyansa ang sarili sa pag-asang walang bagay na di pwedeng mahanapan ng paraan at marating ang ambisyon o daang nais mong tunguhan?
75 na milyong pounds katumbas ang 120 milyon na dolyares sa Amerika! 5 taong kontrata ni Lewis Hamilton sa McLaren Mercedes. Pinakabatang kampeon sa kasaysayan ng F1 racing. Kauna-unahang “Black Driver” na nanalo sa F1 racing. Ipinangalan sa dating world champion sa larangan ng athletics na si Carl Lewis. Mahusay! Matapang! Matalino! Mataas ang paniniwala sa sarili! Ito ang piniling daan ni Lewis Hamilton sa buhay kung kaya siya ay isang kampeon sa F1 racing.
|