November 28, 2008 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Hindi kinakabahan si Pacman
 

LOS ANGELES --- Siyam na araw na lamang ang nalalabi at sasambulat na ang sagupaang Manny Pacquiao at Oscar De La Hoya sa Disyembre 6 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Pero, walang anumang kabang nararamdaman ang Pambansang Kamao. At positibo ang kanyang pananaw sa kalalabasan ng naturang 12-round bout.
“Kilala n’yo naman ako, kahit anong laban hindi ako kinakabahan,” simula ni Pacquiao habang kumakain sa paboritong Thai restaurant na nasa bisinidad lamang ng Wild Card Gym.
“Lahat ng paghihirap sa ensayo ay ginagawa ko para sa bandang huli ay may magandang bungang ibigay sa akin,” dagdag niya.
Hanggang kahapon ay ayaw pa ring magbigay ng prediksiyon ang Filipino ring icon.
“Mahirap magsalita ng tapos, papano kung hindi ganun ang plano ng nasa Itaas?” wika ni Pacquiao.
Ayon kay Pacquiao, kumpiyansa siya sa kanyang sarili, dahil iyon aniya ang nais ng Nasa Itaas.
“Believe in Me and believe in yourself, equals success,” litanya pa ng Pambansang Kamao.
Kahapon ay 32 rounds ang naging ensayo ni Pacquiao sa dinumog na naming gym ni Freddie Roach.
“Sa ensayo pa lang halos patayin ko na ang sarili ko, kasi naniwala akong may magandang bunga ito,” wika pa ni Pacquiao.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES