November 28, 2008 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  POC elections ngayon
.(Ramil Cruz)
 
Pagpapasyahan ngayon ng isang traditional politician -- incumbent Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco, Jr. – at isang Olympian – Phil. National Shooting Association pres. Arturo Macapagal – kung sino ang magiging pangulo ng POC sa susunod na apat na taon.
Kaugnay ito nang krusyal, makontrobersya, kapana-panabik at nanganganib na eleksyon ng POC sa Alabang Country Club, Inc. sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City sa walang katiyakang oras na umpisa dahil sa dami ng mga gulo..
Dahil sa mga gusot na bumabalot sa anim na botanteng national sports association, sa paggiya ng Nat’l. Archery Assoc. of the Philippines, na sinasabi ng grupo ni Macapagal na kagagawan ng kasalukuyang liderato, namemeligrong ‘di matuloy ang halalalan ng mga opisyal na maaring ikasuspinde ng bansa sa International Olympic Committee na nangangahulugan na ma-ban ang RP sa mga palarong kagaya ng Olympic Games, Asian Games at iba.
Sa hayagang pag-aalsa ng NAAP na pinangungunahan ng archers sa pagtrangko ng pamangkin ni Cojuangco na si Enrique Cojuangco, Jr., idinemanda nito ang POC dahil sa ‘di pagkilala sa legal na pangulo ng asosasyon na si Renato Bartolome at patuloy na pagkalinga para makaboto ang illegal na si Leonora Fe Brawner, nagbitiw noon pang 2006.
Sa panayam ng Abante TONITE sa kampo ng batang Cojuangco, hinayag ng isang malapit sa kanya na tumanggi na lamang magpakila, na plano nilang ihambalos o hawakan na lamang ang temporary restraining order (TRO) kapag napasakamay sa araw rin itong depende sa hinihingi ng pagkakataon sa eleksyon

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES