November 28, 2008 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Magnolia nilantakan ang Burger
(RC)
 

STANDINGS W    L   
Harbour    5    0   
Magnolia    4    1   
Hapee         3    2   
Burger King    2    3   
Bacchus    2    3   
Toyota Otis    2    3   
Pharex        0    6   

Sinangkalan ng Magnolia Purewater ang magilas na tikas sa first half pa lamang upang mangatngat ang Burger King, 91-79, at makapitan pa ang solo segunda sa katayuan sa 2009 Philippine Basketball League PG Flex Linolum Cup first round eliminations sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kagabi.
Pang-apat na pananaig ito ng kampo ni Magnolia coach Enrico Banal sa limang sabak upang makabuntot sa lider at wala pang talong defending champion Harbour Centre (5-0). Ang Stunners mula sa pagsalo sa 3rd hanggang 4th ay nalaglag sa paghalubilo sa 4th-6th sa pagtikim ng tatlong talo sa limang laro.
Nag-isa na sa tersera ang Hapee Toothpaste sa barahang 3-2 nang manaig sa Pharex, 94-85 win at palawigin pa ang bangungot ng Generix sa anim na kabit.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES