November 28, 2008 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Pacquiao `di na babalik sa 135 lbs.
(VIRGI ROMANO)
 
LOS ANGELES --- Bagama’t wala pang pormal na pahayag, pero, wala nang plano si Filipino ring icon na balikan ang lightweight division o ang 135-lbs division.
Kahapon, sinabi ni Pacquiao na mas komportable siya sa timbang na 140-lbs.
“Nung nasa 135-lbs ako, tumimbang ako ng 150 pounds, kaya hirap ako sa pag-reduce,” sambit ni Pacquiao. “Dito sa 140-lbs, walang reduce, nakakakain ako nang husto, nang hindi nawawala ang bilis at lakas ko, yun ang pakiramdam ko.”
Si Pacquiao ay tinanghal na WBC lightweight champion noong Hunyo matapos talunin via knockout sa 9th round si David Diaz.
Hindi pa nakakapagdepensa ang Filipino ring icon ng naturang korona, dahil sa pagdating ng offer na laban sa Disyembre 6 - - ang ‘Dream Match’ kay Oscar de La Hoya.
Sa pahayag ni Pacquiao, lalong nagkakalinaw na ang susunod niyang laban ay kay Ricky Hatton.
Si Hatton ay nakakagaling lamang sa malaking panalo (11th round TKO) kay Paulie Malinaggni noong nakaraang linggo.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES