November 28, 2008 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  GIN KINGS KINATAY MULI ANG TIGERS
NI RAMIL CRUZ
 

Team Standings W L
Alaska 9 3
San Miguel 8 5
Sta. Lucia 6 6
Air21 6 6
Rain or Shine 6 6
Talk N Text 6 6
Ginebra 6 6
Purefoods 6 7
Coca-Cola 5 8
Red Bull 3 8
Mga laro ngayon: (Ynares Center)
5 p.m.Sta. Lucia Realty vs Alaska Milk
7:30 p.m.-Red Bull vs Rain or Shine

Pinasakan nina Ronald Tubid at Sunday Salvacion ang nilikhang butas sa pagliban nang may groin injury na si Anthony Helterbrand para muling senglutin ng Barangay Ginebra San Miguel ang Coca-Cola, 84-77, at ibuhol ang five-way logjam sa tersera sa katayuan sa 2008-09 Kentucky Fried Chicken Philippine Basketball Association Philippine Cup second round eliminations sa Olivares Sports Center sa Paeañaque City kagabi.

Hindi nagpatalo sa agawan ng bola si rookie Bonifacio Custodio ng San Miguel Beer sa depensa nina JC Intal at Wynne Arboleda ng Air 21 sa isang tagpo ng kanilang laban sa KFC PBA Philippine Cup second round eliminations sa Big Dome kamakalawa. (John Paulino)


Nagbulid si Tubid ng 22 points at si Salvacion ay nagswak ng 21 sa pag-agapay ng Kings sa Talk ‘N Text Rain of Shine, Sta. Lucia Realty at Air21 sa kartadang 6-6 panalo-talo. Lagpak ang Tigers sa 5-8 bagamat ‘di natinag sa pangsiyam.
Sa pagpapatuloy ng mga aksyon ngayon sa Ynares Center sa Antipolo City, puntirya nang namamayagpag na Alaska Milk (9-3) na malaklak ang ika-10 panalo sa ika-13 salang sa pag-ulit sa defending champion Sta. Lucia.
Susundan ang impuntong ala-singko ng hapong gyera ng Aces at Realtors nang rematch din ng RoS at nasa hulihan, sumasalampak na Red Bull Energy Drink (3-8) sa ala-7:30 ng gabi kung saan ipaparada ng huli si Mike Holper na nakuha sa trade sa Ginebra.
Galing sa 113-86 blowout win sa Talk ‘N Text noong Sabado sa The Arena sa San Juan City, duduplikahin ng Maggagatas ang 95-89 victory sa SLR noong Nobyembre 7 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES