November 28, 2008 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 

Flexi Fund at Online services ng SSS

Arnel Petil
 

Ipagpaumanhin niyo po ang pagluluwat ng aming inquiry system.
Inaayos sa ngayon ito for upgrading of hardware and web applications. Batid namin ang kahalagahan ng online services sa kagaya niyo pong OFWs. Sa mga oras na hindi kayo maka-access sa aming website, maaaring tawagan ang aming foreign offices sa Riyadh KSA: (9661) 402-9000 local 5052, ext. 16/ Fax ext.17 at sa Al-Khobar KSA: (9663) 894-2618; 894-5221, para po sa inyong SSS-related inquiry.
Maipagpapatuloy mo ang iyong hulog sa SSS bilang isang OFW sa pamamagitan ng pagbabayad gamit ang RS-5 form (contributions payment return form). Lagyan lamang ng kudlit (tsek) ang box na nagsasabing ikaw ay isang OFW at isulat ang iyong foreign address. Hindi po bababa sa P520 ang maaaring ihulog ng isang OFW.
Maaari ring mag-apply sa Flexi-fund ng SSS. Ito ay isang voluntary, provident fund para sa mga OFWs. Additional service ito ng SSS bukod pa sa regular OFW membership. Makakatanggap ka ng karagdagang income mula sa savings ng iyong flexi fund account bukod pa sa mga benepisyo mo sa SSS. Maaari mong kunin ang naipong contribution sa Flexi fund bilang lump sum, pension, or combination of both, anytime o sa oras ng pangangailangan.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa flexi fund, maglog-on sa www.sss.gov.ph o tumawag sa (632) 435-9814. Kaugnay ng iyong registration sa aming new website, pakihintay lamang po ang inyong password. Kasalukuyan pa po itong pinoproseso. Maaaring tumawag sa 920-6401 local 6066 or 5240.(sgd.)
Lilibeth Suralvo
Jr. Communications Analyst

PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.
CELLPHONENO. SMART: 09193628223 Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahilan para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng nagrereklamo at nirereklamo.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES