November 28, 2008 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
POEA 'di na ma-reach?
Usapang OFW


Kung ang Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ay nabi­gong ma-reach ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa pamamagitan ng fax o telepono, lumilitaw na may accessibility problem itong POEA para sa media.
Considering na napakahalaga ng topic na tinalakay ng napakahabang artikulo kaugnay ng malawakang pamimirata at hostaging ng mga seamen -- kabilang ang mahigit dalawang daang marinerong Pinoy -- nakakadismaya na ‘di ma-reach itong POEA.
Iyan naman ang maipupuri ng Usapang OFW kay dating POEA Admin Rosalinda Baldoz. Dati kasi ay madaling ma-reach itong POEA at may sagot agad si Baldoz kapag napag-uusapan ang POEA at ang mga policy nito.
Dapat sinusugod
Sa experience ng Usapan, mas mainam talaga na sugurin sa kani-kanilang opisina ang mga opisyal ng POEA para interbyuhin. Sa ganitong paraan, makikita kung sino talaga ang laging present sa opisina at kung sino ang subsob sa trabaho.
Minsang magpunta nga tayo riyan sa POEA ay nadismaya tayo dahil sa trato sa mga domestic helper appli­cants ng isang nasa window ng name-hire processing unit.
Natalakay na natin ito ilang taon na ang nakararaan at napaalalahanan na rin ang concerned party, na `wag magkaroon ng double standard sa pagtrato sa mga professional na aplikante at mga may mababa lang na natapos sa pag-aaral.
Malaking problema
Malaki talaga ang problema ng pamimirata at tama lang ang ginawang pagbabago ng POEA sa standard employment contract ng mga Filipino seamen. Sa nga­yon kasi ay nasa kontrata na nila na may opsyon sila na buma­ba ng barko kung ang susunod na destinasyon nito ay napakadelikado at notor­yus sa pamimirata at kidnapping.
Tumpak din ang gina­wang paggiit ng POEA na bigyan ng karagdagang bayad ang mga seamen kung mapanganib ang kanilang magiging destinasyon. Iyan na kasi ang reyalidad ng pagiging marinero -- para na rin silang sundalo na may nakaambang malaking panga­nib kung ang destinasyon ay Africa, halimbawa.
Kunsabagay, bawat trabaho ay may kaakibat na hazard. Nagkakaiba-iba na nga lang ang antas.
Sea-based, land-based
Ibang-iba kasi ang sitwasyon sa sea-based OFWs kumpara sa land-based. Sa land-based, pwedeng ipagbawal ng POEA ang pagtatrabaho ng mga OFW sa mga danger areas tulad ng Iraq. Ngunit sa sea-based, hindi agad nalalaman kung ang lalayaging karagatan ng barkong sasakyan ng OFWs ay delikado o hindi.
Kaya nga nagkaroon ng proposal na ipagbawal na ang deployment ng Pinoy seamen sa mga barkong re­gular na naglalayag sa pirate-infested areas. Ngunit hindi iyan inaprubahan ng POEA dahil sa pressure mula sa mga manning agencies at maging sa mga seamen mismo na nagsabing liliit ang placement o job opportunities nila.
At the end of the day, negosyo pa rin talaga iyan at kailangan lang balansehin ang risk sa oportunidad na kumita. Kawikaan kasi ng mga marinero ay ‘di ba­ling malagay sa panganib sa paglalayag kaysa mamatay na dilat ang mata dahil sa gutom kung hindi sila magkakatrabaho.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES