November 28, 2008 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Investment sa ‘Pinas tuloy
 

Sa kabila ng nararanasang recession sa mundo, tiniyak ng mga pinuno ng Ingram Micro, Inc., pinakamalaking largest technology distributor sa mundo kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang patuloy na buhos ng puhunan sa bansa.
“President Arroyo met with executives of Ingram Micro where they presented to the President their business expansion in the Philippines and their pledge to continue their investment despite the global recession,” ayon kay Press Secretary Jesus Dureza.
Dahil dito, sinabi ni Dureza na tiwala ang Pa_ngulo na naisulong niya ang layunin ng mga papaunlad na bansa tulad ng Philippines na mapatibay ang kalagayang pampinansyal sa gitna ng nararanasang krisis sa ekonomiya ng mundo.
Maliban dito, sinaba­yan din ni Pangulong Arroyo, na nanggaling pa sa Colombia kung saan nakipagpulong siya kay Pangulong Alvaro Uribe sa world-class tourist spot na Cartagena, sa tanghalian ang ilang piling miyembro ng Filipino community sa Sheraton Gateway Hotel.
Ayon kay Dureza, hinarana pa si Pangulong Arroyo ng isang all-Filipino male singing group ng mga kantang Tagalog, kabilang ang ilang kundiman, habang nanananghalian.
“Good tender beef was served,” wika ni Dureza.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES