Umaabot sa 144 Filipino travelers ang kasalukuyang istranded sa Bangkok, Thailand matapos isarado ang dalawang malalaking airport sa nasabing bansa kasabay ng pagsiklab ng gulo roon.
Ang sitwasyon ng mga stranded na Pinoy ay ipinagbigay sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ng Philippine Embassy sa Bangkok, Thailand.
Tiniyak naman ni DFA Undersecretary Esteban Conejos ng Migrant Workers Office na ang lahat ng 144 Pinoy ay ligtas at nanunuluyan sa iba’t ibang hotel sa Bangkok matapos nilang asistehan.
Nangako rin ang DFA na magbibigay ng karampatang tulong ang kanilang tanggapan sa lahat ng mga naistranded na Pinoy.
|