November 28, 2008 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Palasyo relax lang sa mass layoff
(Rose Miranda)               
 

Feeling relax lang ang Malacañang sa ulat na mala­king bilang ng mga manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa pagpasok ng 2009.
Katwiran ni Presidential Management Staff (PMS) Chief Secretary Cerge Remonde, matagal nang pinaghandaan ng ehekutibo ang nasabing senaryo, kung mangyayari man, simula nang pumutok ang global economic crisis na unang lumumpo sa ekonomiya ng mga maya­yamang bansa tulad ng Estados Unidos, Japan at ilang bahagi ng Europa.
Isa nang paghahanda rito ay ang pagtatalaga ng cabinet members sa bawat mahihirap na rehiyon ng bansa upang makasaklolo sa pagbibigay ng alternative jobs sa mga manggagawa na maaapektuhan ng mass lay-off.
Ganito rin ang timbre ng Palasyo sa problemang mass layoff sa overseas Filipino workers (OFWs) dahil ayon na rin kay Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez, may nakaantabay na silang contingency fund para sa OFWs na maagang mapapauwi sa bansa.
Gayunpaman, sinabi ng Malacañang na taliwas sa ulat ay mataas pa rin ang demand para sa mga Pinoy workers sa iba’t ibang bansa tulad sa France, Canada at iba pang bahagi ng Middle East.
Sa kabila nito ay inatasan na umano si Department of Labor and Employment (DoLE) Secre­tary Marianito Roque na tumutok sa problema at magsumite ng regular report sa ehekutibo hinggil sa estado ng job security ng OFWs.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES