November 28, 2008 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
JDV sa Senado pinakakanta
(Rey Marfil/Bernard Ta­guinod)
 

Kundi nabigyan ng pagkakataong mailabas ang dokumento sa impeach­ment proceedings sa Kamara, pinayuhan ng dalawang senador si dating House Speaker Jose De Venecia Jr., na gawin ang lahat ng pagkanta sa Senado.
Ayon kina Senate minority floor leader Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., at Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson, bukas ang lahat ng pintuan ng Senado para kay De Vene­cia, anumang oras nito gustuhing magsalita tungkol sa ZTE broadband deal.
Kung binalewala ng sariling kasamahan at dating ka-tropang kongresista ang mga ebidensya ni De Venecia laban sa mag-asawang sina First Gentleman Mike at Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, hindi anila mabibigo ang kongresista sa Senado.
“I hope JDV will testify before the blue rib and based sa sinabi n’ya sa House. Makakatulong sa Senate probe dahil mabibigyan ng eye witness account ang investigation,” ani Pimentel.
Habang si Lacson, hinamon si De Venecia na humarap sa Upper House para patunayan sa publiko na handa itong magsabi ng katotohanan at sagutin ang mga naunang katanungan sa eskandalo.
“He should testify in the Senate para maipakita na willing siyang ma-scrutinize ng mga senador at mailabas ang buong kato­to­hanan sa isang parehas na pamamaraan,” ani Lacson.
Minaliit naman ni Palawan Rep. Abraham Mitra ang banta ni De Venecia na lalabas at mangunguna sa kilos-protesta.
Aniya, kung walang naipakitang puwersa si De Venecia sa Kamara, mas lalong hindi ito makapag-iipon ng sapat na bilang ng mga tao para sa bagong Edsa uprising.
“If he join the parliament of the streets, then I doubt, given his record, if he will be able attract followers. If he organizes a march I bet that those who will be joining him will be so few that it won’t be called as demonstrations but jaywalking by a few,” dagdag pa ni Mitra.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES