November 28, 2008 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
LAGIM NG BAWAL NA PAG-IBIG
Ni ALVIN MADAN
 

Sa pamamagitan ng malagim na kamatayan wina­kasan ng isang 24-anyos na binata ang sarili nitong buhay matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay dahil hinadlangan umano ng kanyang pamilya ang pag-ibig nito sa isang may-asawang babae sa Caloocan City kamakalawa.
Tinangka pang maisalba subalit hindi na umabot ng buhay matapos isugod ng kanyang mga kaanak sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang biktima na nakilalang si Florante Del Rosario, residente ng M. Hizon St., Caloocan City.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Alejandro Billedo Jr. ng Station Investigation and Detective Management Branch, nabatid na dakong alas-11:30 kamakalawa ng umaga nang makita ang biktima ng kanyang pinsan na si Rocky Frias na naka­bigti sa pamamagitan ng electrical cord sa loob ng kanilang bahay.
Agad na kinalas ni Frias ang biktima mula sa pagkakabigti at ipinabatid sa kanilang ibang kaanak ang insidente. Kasunod nito, mabilis na isinugod si Del Rosario sa nasabing ospital subalit hindi na rin ito umabot ng buhay.
Nabatid naman sa follow-up investigation na hinahadlangan umano ng kanyang pamilya ang biktima na makipagrelasyon sa isang babae na may asawa at anak na hindi na nakuha ang pangalan.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES