MASAYA si Richard Gutierrez na ang Full Force Nature ang ibinigay na bagong show sa kanya ng GMA 7.
Kahit puro sakuna na may kinalaman sa ating klima ang ipi-feature nila sa Full Force Nature, may tips silang ipi-feature para makaiwas sa mga kapahamakan na dulot ng mga ito.
Isa pang ikinatuwa ng binata ay ang pagpayag ng GMA 7 management na maki-tie-up sila sa Green Peace, kung saan miyembro si Richard.
Sa Disyembre 2 (Martes) na magsisimula ang Full Force Nature at si Dominic Zapata ang direktor nito.
Hindi lang sa studio nagte-tape si Richard kundi sa iba’t ibang mga lugar, lalo na sa mga bundok at mga ilog.
Nangako si Richard sa producers ng show na pwede siyang sumama sa mga biglaang coverage kapag may bagyo at kung anu-ano pang sakuna na dulot ng kalikasan.
Hihintayin muna ni Richard ang pilot telecast nila sa Disyembre 2 at kinaumagahan ay aalis na siya papuntang Los Angeles, California.
Pagbalik niya ng bansa ay aasikasuhin na niya ang pelikula nila ni KC Concepcion under GMA Films and Regal Entertainment.
Nalulungkot ang KChardees fans dahil ang tagal simulan ang second team-up nina Richard at KC, pero ayon sa binata, inaayos lang mabuti ni Direk Joey Reyes ang script ng pelikula bago sila magsimulang mag-shooting.
Ngayon pa lang ay ginagawan na ng revisions ang script para kapag nagsimula sila ng shooting ay tuluy-tuloy ‘yon.
***
Sa Full Force Nature presscon ay nakatsikahan ko si Direk Dominic tungkol kina JC de Vera at Rhian Ramos.
Siya rin kasi ang direktor ng Lalola.
Sa tingin ni Direk Dominic, may inililihim nga bang relasyon sina Rhina at JC?
“Sobrang sweet, pero ayoko silang pangunahan. Pero sabi ni JC, masaya siya. Tinamaan daw talaga siya. Ibang klase si JC pagdating kay Rhian.
“Noon kasi, inirereto ko siya sa ibang co-stars niya, pero ayaw. Dito naman kay Rhian, hindi mo na kailangang pilitin si JC at halata namang inspirado siya.
“Noong last taping namin, binilhan pa niya si Rhian ng green curry sa may Serendra.
“Talagang may mga pasalubong pang pagkain na hindi niya ginagawa noon,” sabi ni Direk Dominic.
***
Si Ogie Alcasid daw ang may ‘and’ sa billing ng Desperadas 2.
So, ang billing: Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, Marian Rivera and Ogie Alcasid.
Agree raw ang co-stars ni Ogie sa billing na ‘yon, na s’yempre pa ay ikinatuwa naman ng boyfriend ni Regine Velasquez dahil never silang nag-demand ng ‘and’ sa billing ng nabanggit na pelikula.
Ang sinabi raw ng mga taga-Regal Entertainment sa manager ni Ogie na si Leo Dominguez, agree ang co-stars ng singer/songwriter sa ganoong billing, kaya iyon ang sinunod nila.
Napanood ko na ang trailer ng Desperadas 2 at talaga namang kuwela ang limang bida ng pelikula.
Sa tingin ko ay mas maganda ang pagkakagawa ni Direk Joel Lamangan sa part 2 ng pelikula, kaya excited na akong panoorin ito.
***
For feedback, email junlalin@gmail.com
|