November 28, 2008 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Piolo at Sam: titig pa lang, ulam na!
Alfie Lorenzo
 

UY, ang daming mga kafatid ang nag-agree sa sinulat namin dito na mas panonoorin nila ang Vilma Santos movie kahit na pure Noranians pa mandin sila kung sina Piolo at Sam ang mapapanood nilang maglalaplapan onscreen sa halip na sina Luis Manzano at John Lloyd Cruz.
Wala raw parehong sex appeal sina Luis at Lloydie, unlike my Papa Piolo and Sam. Titig pa lang daw, ulam na!
“Sana po, mag-change mind and casting ang Star Cinema para naman kumita ang Vilma movie,” anang Noranian na si Albert Sunga na kararating lang mula sa New York at pakikipagkita sa Vilmanian na si Allan Trambulo.
Hindi yata nakipagkita si Sunga kay Ate Guy dahil may tampururot kuno! Ows?
***
  Uhum, tapatan na naman?
Sabayan ba naman ng presscon ng Ang Tangin­g Ina Ninyong Lahat ng Star Cinema ngayong alas dose nang tanghali sa 9501 Bldg. ang auction day ni Juday sa Plaza Ibarra ngayong 12:00 NN-6:00 PM.
Ipapa-auction ang mga damit at gamit ng mga kaibigang artista ni Juday para makalikom ng pondo sa Ploning campaign sa Hollywood.
Ayon sa ibinalita sa akin ng mga taga-Plo­ning ay may screening ang Ploning sa Kodak Theatre kung saan ginaganap ang Oscars.
Dadalo roon siyempre si Juday at may konek na raw sila maging sa Philippine ambassador to the USA.
***
Kararating lang ni Juday from Kuala Lumpur kung saan nag-shoot siya ng bagong commercial. Nu’ng Wednesday ay nagteyping uli siya for MMK.
Juday’s secretary Jane de la Cruz texted me this one: “Nanalo po si Juday  sa ‘Anak TV Seal’ as one of the most admired female personalities, awar­ding will be on Dec. 3 at 9:30 AM at Soka Gakkai Bldg. Invitation was gi­ven thru the Pieta EP, I will just get it from them and send it po sa inyo.”
‘Yang Deccember 3 ay TVC shoot ni Juday for Maggi and in the evening ay fund raising night ng Ploning sa Rockwell Tent na ipinahiram ng Papa Gabby ko kay Juday for the occasion.
Parang ‘yun na ang donation naman ng Papa Gabby ko for Ploning, debah naman?
Ewan kung paanong hahatiin ni Juday ang araw na ‘yun.
Pinapa-remind ng mga taga-PMPC na gaganapin sa Linggo sa SMX Convention Center (malapit sa Mall of Asia) ang kanilang Star Awards for TV kung saan host si Juday ng affair at ready na raw ang gown na isusuot ni Juday from Paul Cabral.
Gusto rin ng FAMAS na si Juday ang maging host nila sa Gabi ng FAMAS bukas sa Manila Hotel.
Paano? Last minute ba naman ang tawag at pinagpasa-pasahan pa ang tawag from the assistant to the FAMAS prexy to another assistant of the assistant!
Eh sino ang mag-a-assist sa kanila pag ganyan ang tawag na mistulang laru-laro?
***
May pakiusap ang aming kaibigang doctor at twice tsa­peron namin sa Bangkok na kaming dalawa lang ang nag-travel as if magka-MU kami, huh!
Courtesy kasi ni Ma’am Carol ng Fitrum ang trip namin. May class reunion daw sina Doc Salinel sa Disyembre 5 sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila kung saan siya naging scholar and became the famous radio-tv doctor that he is today!

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES