MAS madali nang manalo ng milyon sa month-long Christmas special ng Kapamilya Deal or No Deal na nagsimula noong Lunes (Nobyembre 24).
Limang briefcase na ang naglalaman ng P1M.
Nanalo sina Aiko Melendez at Candy Pangilinan ng P1M nang sila’y maglaro kamakailan.
Para sa home viewers, isang brand new Niassan Navara ang naghihintay sa inyo sa pamamagitan ng pagsali sa KDOND Text Promo hanggang Enero 8, 2009.
May P20,000 cash prize na naghihintay araw-araw. I-text lamang ang ABS DEAL o kaya ABS NODEAL sa 2366.
Ano pa kayang sorpresa ang inihahanda ng KDOND?
Tumutok sa Kapamilya Deal or No Deal hosted by Kris Aquino, weeknights bago ang TV Patrol World sa ABS-CBN.
***
Makiki-join si Paolo Contis sa Bubble Gang barkada mamaya para sa isa na namang umaatikabong gabi ng non-stop tawanan!
Ide-deny ng bratinelang si Angelina na nagwiwi siya sa kama.
Gagampanan rin ni Ogie ang papel ng isang lalaking unti-unting makilala ang kanyang tunay na kasarian habang susubukang pigilan ni Bitoy ang isang libing sa paniniwalang walang lamang tao ang kabaong.
Abangan din ang mga nakakatuwang segments tulad ng Moymoy Palaboy, Gagambala, Karton Karakters (nag-exchange gifts) at Selesta (spoof ng ice cream commercial)!
***
Magpe-perform si Jimmy Bondoc sa grand opening ng Bellagio Square Malate (J. Bocobo St., malapit sa Pedro Gil St.) mamayang 8:00 PM.
Kabilang sa establishments doon ang Bio-Essence (facial & spa), Whiteberry Frozen Yogurt, Koi Bar & Restaurant, Patio Guernica (Spanish food), Simorgh (Persian restaurant), Hellas Taverna (Greek foods), Tony & Jackey (Korean hair salon), Naha (Japanese-Korean shabu-shabu), Mimi & Me (nail salon-fashion accessories) at Yin Lok Kui (HK food).
Para sa mga detalye, tumawag sa tel.# 373-4582, cell# 0927-235-7224.
***
Pinaligaya ni Andro Morgan ang mga manonood sa Private Show 3 kamakailan sa Ate Chin Chin Bar (dating Lips Bar), 152 Aurora Blvd. cor. G. Reyes St., San Juan City (malapit sa J. Ruiz St.).
Mamaya at bukas nang 10:00 PM sa Ate Chin Chin ay pangungunahan naman ni John Miller (isa sa Men of Provoq) ang palabas na Striptease.
Ang tiket ay P300.
***
Magsisimula na sa Lunes nang gabi sa ABS-CBN ang teleserye ni Cristine Reyes na Eva Fonda.
Naka-love scene dito ni Cristine si Jason Abalos, at ni-rape naman siya ni Baron Geisler.
“Very intense ang rape scene. Nasaktan talaga ako. Nasabi ko na sa interview before, nagkabukol ako,” kuwento ni Cristine.
“Pero nang napanood namin after the take, worth it naman.
“Iyong love scene namin ni Jason, mild pero memorable din dahil sa Japan kinunan.”
Tungkol kay Dennis Trillo, ang sey ni Cristine, “Gusto ko nang mag-move on.”
Sakaling magkatapat ang shows nila ni Dennis, lalaban ba ang ganda ni Eva Fonda sa sapot ni Gagambino?
“Basta ako, gusto ko, magandahan sila (televiewers) sa show ko. Ayoko nang isipin ‘yung sa kabila. Ayokong makipagkumpitensya.”
***
Magkakabugan sa paramihan ng fans ang PBB Teens na sina Robi Domingo, Ejay Falcon, Josef Elizalde at Nicole Uysiuseng bukas (Sabado, Nobyembre 29) nang 10:00 PM sa Zirkoh Timog, QC.
Guests kasi ang apat sa back-to-back show nina Toni Gonzaga at Richard Poon na pinamagatang Raise The Fun! (hatid ng Powertrim L-Carnitine & Green Tea Extract at The Wowanians sa pakikipagtulungan ng Kopi Roti, G. Eric Yap, Renew Placenta at Baang Coffee).
Ang kikitain sa palabas ay mapupunta sa eye operation ni Tia Pusit.
“Pupunta ako kahit naniningkit ang mga mata ko para lang maaninag ko ‘yung mga taong sumusuporta sa akin!” sey ni Tia Pusit.
Sa mga gustong bumili ng tiket (P500), makipag-alam sa cell# 0922-839-8878.
***
Ang comedy bar performer na si Niño Tolentino ang tinanghal na U-LOL (Ultimate ‘Laugh Out Loud!’) winner sa grand finals ng LOL! noong Linggo sa DZMM.
Tinalo ni Niño sina Alex Calleja at Jonathan Orono sa kaniyang panggagaya kay Vilma Santos at pakikipagsabayan kay Ahwel Paz.
Inuwi ni Niño ang premyong P100,000, tropeo at kontrata sa DZMM.
|