November 28, 2008 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Lowest point ng pagluluksa
Abu Talamzik
 

Complete StoryPUMIRMA na si Lorna Tolentino ng 2-year contract sa ABS-CBN 2.
Isang teleserye at pelikula bawat taon ang ilan sa nakasaad sa kontrata.
Hindi pa niya masasabi kung anong teleserye ang unang gagawin dahil pinag-uusapan pa nila ito ni direk Olive Lamazan.
Hindi rin niya masasabi kung sina Gabby Concepcion at Albert Martinez ang kanyang makakasama.
Sa susunod na taon na siya magsisimulang magtrabaho dahil pinagkakaabalahan niya ang Hope CD 2 na iri-release na sa susunod na linggo.
Mabuti na rin itong abala siya ngayon dahil gusto ni LT na malagpasan itong Christmas season dahil ito raw ang pinaka-lowest point ng kanyang pagluluksa.
First Christmas, New Year at birthday niya na hindi na kasama si Kuya Rudy (Fernandez).
***
Hindi lang si LT ang may ganitong naramdaman kundi ang lahat na malalapit na kaibigan ni Kuya Rudy.
Pinipigilan lang ni Sen. Jinggoy Estrada ang maluha nang napag-usapan namin ito kahapon sa presscon ng pelikula niyang Magkaibigan.
Mami-miss nila si Kuya Rudy ngayong Pasko dahil nakakasama nila ito sa lahat na mahahalagang okasyon ng pamilya.
Gusto raw nilang magpa-party para sa kaarawan ni LT pero hindi pa raw niya alam kung papayag ito.
***
Napaluha kami nang ipinakita ang full trailer ng Magkaibigan sa presscon kahapon.
Nanariwa sa amin ang mga huling araw ni Kuya Rudy at bumabalik-balik din daw ito kay Sen. Jinggoy.
Ewan ko lang kung kakayanin naming panoorin ang buong pelikula.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES