NAMUMURO SI MARQUEZ

Ateneo o UST?

Ika-4 na triple-double 
ni LeBron James

San Mig Coffee dudumihan ang Hapee

DLS-Taft at UP, wagi sa Inter-Collegiate chess

‘Bakbakan’ champ malalaman 


SPORTS UPDATE

May diskarte ang Bandana brothers


Napili ng PBA Press Corps bilang Smart-ACCEL co-player of the week sina James Yap ng Purefoods TJ Giants at Junthy Valenzuela ng Red Bull Barako. Si Velenzuela ay kapapagaling lamang ng hamstring injury. Pero itong si James ay patuloy ang pagpapakitang-gilas sa laro. Ayon nga kay coach Ryan Gregorio, consistent ang laro ni J.Yap, na malaking bagay para sa Purefoods, gayundin naman si Junthy sa kampo ng Barakos. Congratulations!!!

***

Balik-aksiyon naman itong si rookie Ronjay Enrile ng Coca-Cola Tigers. Hindi nakapaglaro ang player kontra Barangay Ginebra noong Sabado, at muling nakalasap ng talo ang Tigers. Ayon kay Mr. Ed Ponceja, ang agent ni Buenafe, maglalaro ang kanyang alaga sa Miyerkules kontra Alaska Aces.

***

Walang kasing saya ang mga fans ng Barangay Ginebra. E kasi naman muli nilang nasaksihan ang tambalan nina Mark "Sparks" Caguioa at Jayjay Helterbrand. Para nga silang ‘Batman & Robin’ kung magpasahan ng aksiyon.

Sadyang may diskarte ang tinaguriang "Bandana brothers’ na sila lamang talaga ang nagkakaintindihan sa loob ng court.

Dalawang sunod nang nananalo ang Kings.

***

Kung titingnan ang laro ni Chico Lanete ng Purefoods TJ Giants, hindi mo aakalaing isa itong rookie. Hindi natatakot sa mga nakabantay sa kanya, at hindi rin takot magbantay sa kalaban. Malakas talaga ang loob, lalo na kung kailangan ang kanyang three-point shot. Ngayon pa lang ay marami na ang humahanga sa mamang ito. At tiyak na dadami pa ang hahanga sa kanya sa mga darating na araw.

***

Marami ang nangungumusta kay Eugene Tejada, dating manlalaro ng Purefoods na naaksidente sa laro.

Magandang balita, dahil unti-unti na umanong nakakalakad ang player at malaki ang posibilidad na makabalik sa dati ang mama.

Tsika pa namin, talagang masayang-masaya si Eugene sa nagaganap sa kanya. ‘Yun nga lang, iniwan siya ng dating nobya habang nasa maselang kalagayan.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top