|
Ika-4
na triple-double San Mig Coffee dudumihan ang Hapee DLS-Taft at UP, wagi sa Inter-Collegiate chess
|
SPORTS
UPDATE
DLS-Taft at UP, wagi sa Inter-Collegiate chess Blinangko ng De La Salle-Taft ang De La Salle-Dasmariñas, 4-0, noong Linggo upang pagharian ang St. Francis Square Inter-Collegiate Chess Team Championships sa St. Francis Square. Ang Archers ay tumapos na katabla ang University of the East at National U sa parehong 4.5 match points, pero dahil sa mas mataas na tiebreak score na 17.5, nakuha nito ang unang puwesto. Tinalo naman ng UE ang San Beda, 3.5-0.5, para tumapos na pangalawa sa hawak na 16 tiebreak points, habang ang NU, na tumabla sa final round, ay napunta sa ikatlong puwesto (14.5). Wagi naman ang University of the Philippines sa women’s side, nang gapiin ang Bulacan Sate U, 4-0 at tapusin ang torneo na may 5.5 points sa event na suportado ng Pepsi, URC Snacks at Lemon Square. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|