|
Ika-4
na triple-double San Mig Coffee dudumihan ang Hapee DLS-Taft at UP, wagi sa Inter-Collegiate chess
|
SPORTS
UPDATE
San Mig Coffee dudumihan ang Hapee Laro ngayon: (Rizal Coliseum) 12:00 noon - Pharex vs Bacchus 2:00 p.m. - Mail And More vs Toyota Balintawak 4:00 p.m. - San Mig Coffee vs Hapee Toothpaste
Itataya ng Hapee Toothpaste ang kanilang malinis na karta upang maitatak ang kanilang ikasiyam na sunod na panalo ngayon sa 2008 PBL V-Go Extreme Energy Drink Cup sa Rizal Memorial Coliseum. Nakatakdang makaengkuwentro ng Hapee ang San Mig Coffee sa alas-kuwatro ng hapon, maghaharap naman ang Pharex Medics at Bacchus Raiders sa opener ng alas-12:00 ng tanghali habang ang Mail and More Comets at Toyota Balintawak Roadkings ay magkakasubukan sa alas-dos ng hapon. Nasa kamay ng Complete Protectors, na hawak ang outright semis berth, ang pagpabor sa laban lalo pa’t nasa panig nila si Fil-Am Gabe Norwood na nagposte ng triple-double performance sa 93-85 panalo nila kontra Harbour Centre. Sa pagkakakuha naman ng San Mig Coffee ng twice-to-beat incentive sa quarterfinals, ay pagpapaganda na lamang ng kanilang record at pagkakaroon ng momentum ang habol nila kontra Hapee. Ang Coffee Kings ay umakyat sa Pool A matapos lagpasan ang Mail & More at Toyota Balintawak dahil sa mas mataas na quotient pagkatapos ng single-round elims. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|