NAMUMURO SI MARQUEZ

Ateneo o UST?

Ika-4 na triple-double 
ni LeBron James

San Mig Coffee dudumihan ang Hapee

DLS-Taft at UP, wagi sa Inter-Collegiate chess

‘Bakbakan’ champ malalaman 


Inbound

SPORTS UPDATE

Ika-4 na triple-double ni LeBron James


INDIANAPOLIS (AP) --- Pinagtawanan ng Cleveland Cavaliers ang Indiana Pacers sa loob ng 2 1/2 quarters.

Pero muntikan nang sila ang pagtawanan nang magawang burahin ng Indiana Pacers ang kanilang 14-point deficit sa third quarter bago makabawi ang Cleveland sa likod ni LeBron James upang maitala ang 111-106 tagumpay noong Linggo para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Ang nakakadismayang ugali ng Cleveland at ang pagkukulang na sumunod dito ay nagpapabahala kay coach Mike Brown.

"We have to do a better job of respecting the game," aniya. "Especially when we’re up. We’ve got to continue doing the little things on both ends of the floor that got us the lead."

Si James, ang leading scorer ng liga, ay nagtapos ng 30 points, 11 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikaapat na triple-double ngayong season at ika-14 sa kanyang career.

Kinailangan niyang gawin ito dahil nangangapa ang kanyang teammates kung wala siya. Umabante ang Cavaliers, 71-63, sa third quarter nang ilabas James upang magpahinga. Sa pagkawala ni James, nagawa ng Pacers na makasiklab ng 12-2 run upang maagaw ang 75-73 lead sa pagtatapos ng period.

Umiskor ang Indiana swingman na si Marquis Daniels ng anim sa kanyang 25 points sa nasabing run. Sa apat na minutong stretch, nagkaroon ang Cavaliers ng limang turnovers at may dadalawang pukol lamang.

Ayon kay James, mahalaga lamang ang triple-doubles kung magbubunga ito ng tagumpay.

"We’re playing some good basketball, and I’m the catalyst of that. The best thing about it, we got three straight wins and that’s good. We got a little streak going," ani James, na binalikat ang Cavs tungo sa Eastern Conference title at runner up finish sa Finals noong nakaraang season. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top