NAMUMURO SI MARQUEZ

Ateneo o UST?

Ika-4 na triple-double 
ni LeBron James

San Mig Coffee dudumihan ang Hapee

DLS-Taft at UP, wagi sa Inter-Collegiate chess

‘Bakbakan’ champ malalaman 


Inbound

 

SPORTS UPDATE

Ateneo o UST?


Laro ngayon:

(The Arena, San Juan)

5:00 p.m. --- Ateneo vs UST

 

Magkakaalaman na kung sino sa Ateneo at University of Santo Tomas ang siyang aakyat sa Finals sa kanilang krusyal na pukpukan ngayon sa Shakey’s V-League Second Conference sa The Arena sa San Juan.

Magpapang-abot ang Tigresses at Lady Eagles sa alas-singko ng hapon kung saan nakataya ang karapatan upang makabangga ang San Sebastian College, na naunang kinuha ang unang Finals berth mula sa impresibong 10-1 win-loss slate, sa best-of-three title duel.

Ang mamalasin namang matalo ay makukuntento na lamang sa isa pa ng best-of-three battle-for-third clash kontra Adamson.

Nakapuwersa ang Lady Eagles ng playoff gamit ang 3-for-4 scheme ng liga matapos nitong walisin ang kanilang huling tatlong salang sa semifinals, kasama ang come-from-behind 20-25, 25-21, 25-19, 25-22 panalo laban sa Tigresses noong Linggo.

Sa nasabing laro ay umasa ang Ateneo sa kanilang depensa upang muling lagpasan ang Tigresses, na nauna na nilang ginapi sa deciding set sa elimination phase.

"We made key adjustments after the first set by playing good defense in the last three," ani Ateneo coach Ron Dulay, na aasahan ang lakas ng kanilang Thai import na si Lithawat Kesinee, ang leading scorer (20-point average) at blocker (10 averege) ng ligang inisponsoran ng Shakey’s Pizza.

Nakatabla ng Ateneo sa second place ang UST sa hawak na 8-3 record matapos ang semifinal round.

Bukod kay Kesinee, sasandal din ang Ateneo kina Denise Acevedo, Ma. Rosario Soriano, Karla Bello, Patricia Taganas at Bea Pascual upang makatuntong sa kauna-unahang pagkakataon sa Finals ang Lady Eagles.

Panghahawakan naman ng Tigresses ang kanilang experience upang maisakatuparan ang misyon nilang ikalawang sunod na korona matapos makuha ang first conference title sa pamamagitan ng championship sweep laban sa SSC.

Ibabandera naman nina Angeli Tabaquero, Mary Jean Balse, Venus Bernal at guest player Suzanne Roces ang atake ng Tigresses. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top