|
Ika-4 na triple-double San Mig Coffee dudumihan ang Hapee DLS-Taft at UP, wagi sa Inter-Collegiate chess
|
SPORTS
UPDATE
NAMUMURO SI MARQUEZ Nagbalik na kahapon ng umaga si Manny Pacquiao buhat sa halos dalawang araw lamang sa Amerika at mismong sa bibig nito lumabas ang posibilidad na si Juan Manuel Marquez ang susunod nitong makakasagupa. Kasamang dumating ang kapatid na si Bobby, na nagtala ng 4th round TKO win kontra kay Fernando Trejo noong Sabado, inihayag ni Pacquiao na bagamat wala pang pinal na napagkasunduan, pero mas malamang aniya na matuloy na ang rematch nila ni Marquez. "Malaki ang posibilidad na si Marquez ang sunod kong makalaban," sambit ni Pacquiao. Ayon sa Filipino ring idol, mayroon silang hindi natapos na trabaho ni Marquez at malamang na matapos na iyon sa Marso 2008. "May business pa kami ni Marquez na dapat tapusin," nakangiting dagdag ng 28-anyos na Pinoy boxer. Si Pacquiao ay nagtungo sa Amerika, una na’y upang mag-pictorial ng iniendorsong produktong Nike, na kinunan sa Wild Card Gym ni American trainer Freddie Roach. At ang pakikipagkita kay Top Rank promoter Bob Arum hinggil sa pagbabalik-aksiyon niya sa Marso. Ang pagkakabanggit ni Pacquiao kay Marquez, ay tila nagpabago sa ihip ng hangin. Dahil bago pa man siya umalis ay naging matunog na ang pangalan ni David Diaz bilang kanyang makakasagupa. Si Diaz, kampeon ng WBC lightweight division, ay alaga rin ng Top Rank, kaya’t magiging madali ang negosasyon. Samantalang si Marquez ay hawak ng Golden Boy Promotions ang promotional rights. Maging sa kolum ni Pacquiao, ay nabanggit din niya ang kagustuhang si Diaz ang makasagupa sa Marso. Pero, gaya rin ng sinabi ni Pacquiao sa naturang pitak, hangga’t wala pang kontratang pinipirmahan, ay wala pang pinal. Ang rematch kay Marquez ay hiling ng nakararami, dahil kung matatandaan noong Mayo 2004, una nang sumabak ang Mehikano kay Pacquiao. Pero matapos ang 12 rounds, nauwi sa draw ang kanilang laban. (VTRomano) |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|