Nangangamba ang Malacañang na baka maglabas ng travel advisory ang Estados Unidos dahil sa nangyari sa isang Amerikano na pinatay sa saksak sa Makati City nitong Biyernes ng madaling-araw.
Dumayo na --- Hindi sa Metro Manila kuha ang larawang ito kundi sa Sta. Rosa, Laguna kung saan nakarating ang namamalimos na Badjao na may kargang bata. Inaasahan na ang pagdagsa ng mga namamaskong Badjao, kasabay ng nalalapit na Kapaskuhan. (Mike Perez)
MEDYO sensitive yata ngayon ang Dongyanatics at ilang fans ni Marian Rivera dahil kaagad na nag-react sila sa biro ni Tito Joey de Leon nang mag-guest ang cast ng Pahiram ng Sandali sa Startalk kamakalawa ng hapon.
Pinahirapan nang husto ni LA Tenorio (kaliwa) ng Ginebra na makadiskarte sa basket si Chris Tiu na nagbalik sa lineup ng Rain or Shine mula sa injury. Nagsalansan si Tenorio ng 20 points para giyahan ang Gin Kings sa come-from-behind 97-90 panalo. (Patrick Adalin)
Naghahabol sa loob ng tatlong quarters ang Barangay Ginebra San Miguel, dalawang beses pang nalubog sa 18 points pero muling ipinagdiinang ang kanilang never-say-die spirit hanggang kumpletuhin ang 97-90 come-from-behind win laban sa Rain or Shine sa PBA Philippine Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum kagabi.