|
2-in-1 Run a Life of Wellness winners NFGB stagfest finals magpapatuloy
|
SPORTS
UPDATE
Matindi si James CLEVELAND (AP) --- Patuloy pa ring pinagmumukhang madali ni LeBron James ang mga mahihirap na bagay. Umiskor ang star forward ng Cleveland ng 37 points bilang parte ng kanyang ikatlong triple-double ngayong season sa 111-108 panalo ng Cleveland Cavaliers sa Toronto Raptors noong Sabado. "If he continues with this scoring and stats, I would hate to see the numbers at the end," ani ng kanyang Cleveland teammate na si Damon Jones. "They will be off the charts." Bukod sa pagpasok ng anim na puntos sa final minute na sumelyo ng laro, hugot din si James ng 12 rebounds at 12 assists para sa ika-13 triple-double niya sa kanyang career sa regular season. "He’s phenomenal," bulalas ni Cleveland coach Mike Brown. "He makes the triple-double seem effortless. I have to tell myself not to take it for granted." Muntikan nang eklipsihan ni Chris Bosh ang ginawa ni James nang pangunahan niya ang Toronto sa pagtatapos ng 41 points upang pantayan ang kanyang career high. Ang 6-foot-10 forward ay ‘di nagpapigil sa ilalim ng basket sa 13-of-25 field shooting at sa 15-of-17 free throws. "There is nothing I don’t like about his game," dagdag pa ni Brown. "He was incredible." Nakasuwak ang Cavaliers ng siyam na three-pointers sa second half, kasama ang anim sa third quarter, na nagtapos na tabla ang laro sa 81-all. Ang layup ni Zydrunas Ilgauskas sa kalagitnaan ng fourth quarter ang nagtulak sa Cavaliers sa harapan, 88-86. Umabante pa ang Cavaliers sa 104-100 ngunit ang tres ni Jason Kapono sa nalalabing 57.1 segundo ng laro ay naglapit sa Raptors sa isang puntos. Sinagot naman ito ni James sa kanyang salaksak katapat ang dalawang bantay para sa 106-103 lead mayu 44 segundo na lang. Tinapyas pa ng layup ni Kapono ang kanilang deficit sa isa bago maibuslo ni James ang kanyang top of the key fade away jumper sa harap ni Carlos Delfino na muling nag-agwat sa Cleveland sa tatlo may 16.7 segunda pa sa orasan. Matapos ang mintis ni Anthony Parker sa three-point area, lumayo muli ang Cavs sa apat mula sa free throw ni Devin Brown. Isa pang pumasok na three-pointer ni Kapono ang muling naglapit sa kanila sa isa ngunit sinelyuhan na ni James ang kanilang panalo sa isinuksok na dalawang foul shots. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|