|
2-in-1 Run a Life of Wellness winners NFGB stagfest finals magpapatuloy
|
SPORTS
UPDATE
Red Bull nadale ang TNT (Ramil Cruz) Humulagpos na parang bula ang 21-point lead ng Red Bull Energy Drink sa third quarter subalit ‘di natigatig kung kaya’t nakaresbak sa powerhouse Talk ‘N Text,109-104, at kumuyapit sa segunda puwesto sa 2007-08 Smart PBA Philippine Cup eliminations kagabi sa Araneta Coliseum. Ang pangatlong dikit na pananagasa ng Red Bull sa mga bigating oposisyon – kasama ang sa Magnolia Fruit Drinks (107-95) at lider na Purefoods Tender Juicy Hotdogs (87-74) ay nagpataas ng kilay sa mga apisyunado lalo’t naglaho ang tatlong pangunahing mandirigmang sina Lordy Tugade, Jose Enrico Villanueva at Larry Fonacier sa Beverage Masters – ay nagpatibay sa Bulls sa knalalagakan sa 6-3 win-loss record. "We never expected to be in this position. But as long we have hearts, buo ang loob, kayang manalo," bulalas ni Bulls coach Yeng Guiao, na binaril na daliri si Don Allado na sumenyas ng dirty finger sa kanya sa pagtusok ng daliri sa sariling leeg. "We loss by 21 but told them to win in the end. I take my hats off to the boys." Nasa pangalawa pa lang niyang game sa mula sa hamstring, si Junthy ‘The Hitman’ Valenzuela ang gumatilyo nang pantaob sa Phone Pals na tatlo sa pinaleng 5-0 atake ng energy drinks mula sa 11th & last 104-deadlock. Pawang sumuwag ng double digits ang starter ni Guiao na giniyahan ni forward Leomar Najorda sa pag-ayuda sa topscorer off-the-bench na si Valenzuela. Si Mark Cardona ang namuno sa Phone Pals sa 28 pts. Umahon pa ang Red Bull sa walong puntos na pagkalubog, 79-71, 2:54 sa third period makaraang maiposte muna ang 65-44 sa maaga ng nasabing yugto. Naikampay naman Purefoods ang pangalawang tagumpay, na pangsiyam sa pangkalahatan sa 10 pakikibaka, nang muling ibalibag ang Sta. Lucia Realty, 84-81. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|