ATENEO HUMIRIT SA UST

Red Bull nadale ang TNT

2-in-1 Run a Life of Wellness winners

Matindi si James

NFGB stagfest finals magpapatuloy

100 sultada sa San Juan


SPORTS UPDATE

Paluhod na pilit isinalba ang bola ni Aiza Mazo ng UST Lady Tigresses habang nakaabang ang Ateneo Lady Eagles sa tagpaong ito sa Shakey’s V-League semis kahapon habang nagtsi-cheer ang UST supporters.(John Paulino)

ATENEO HUMIRIT SA UST


Ginulantang ng Ateneo ang University of Santo Tomas nang makabalik sila sa mula sa first set setback tungo sa, 20-25, 25-21, 25-19, 25-22, kagabi upang makapuwersa ng playoff para sa ikalawang finals berth sa Shakey’s V-League Second Conference sa The Arena sa San Juan.

Trinangkuhan ni Thai import Lithawat Kesinee ang Lady Eagles para sa come-for-behind win sa pagpalo ng 29 points habang sina Ma. Carmina Acevedo ay may 16 markers at may 14 points naman si Ma. Rosario Soriano para sa Ateneo, na muling susubok para sa ikalawang championship seat sa tulong ng 3-of-4 incentive scheme ng ligang inisponsoran ng Shakey’s Pizza.

Nakatakda ang knockout duel ng dalawang koponan bukas ng alas-singko ng hapon para sa karapatan na makatapat sa kampeonato ang San Sebastian College, na tinalo ang La Salle, 25-21, 25-20, 25-17, sa first game ng kahuli-hulihang semifinal round play-date.

Tinapos ng SSC ang semis na hawak ang league-best 10-1 slate kung san umasa sila sa kanilang Thai import na si Bualee Jaroensri sa pagdadala ng 26 points habang may pinagsamang 22 markers sina Laurence Ann Latigay at Rysabelle Devanadera.

Nasa nakakadismayang fifth place finish lamang ang dating three-time title holders na La Salle sa naibanderang 3-8 card.

Ito naman ang ikalawang pagkakataon na tinalo ng Ateneo ang UST, ang first conference champion, kung saan nilagpasan ng Lady Eagles ang Tigresses sa isang five-setter game.

Kapwa nagtala sina Angeli Tabaquero at Venus Bernal ng tig-16 points para sa UST, nanakahugot rin ng 24 points mula kay guest player Suzanne Roces at Mary Jean Balse. Ngunit hindi naman ito ininda ng Lady Eagles sa tulong ng kanilang power-hitting reinforcement sa katauhan ni Kesinee.

Ang two-time SEA Games veteran na si Kesinee ay nagawa munang pigilan ng Tigresses sa unang bahagi ng laro ngunit muling lumabas ang lakas ng Thailander sa huling tatlong sets upang panisin ang mga UST net defenders.

Parehong nagtala ang Ateneo at UST ng 8-3 slate at ang matatalo sa kanilang sudden death match ang siya namang makakaharap ng Adamson (5-6) sa battle-for-third place.

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top