|
|
ENTERTAINMENT
Tessa, napagkamalang kasama sa ‘Enchanted’
Masarap katsikahan si Tessa. Kahit sosyalera siya, aminado siyang mahilig siya sa showbiz. Marami raw siyang mga kaibigan sa showbiz. Syempre pa, mas marami na ang nakakakilala ngayon kay Tessa dahil sa exposure niya sa Celebrity Duets. Sa pakikipagtsikahan ko kay Tessa ay naikuwento niyang um-attend siya sa premiere night ng Enchanted sa Los Angeles, California. Naimbitahan daw siya ng Little Gym (eskuwelahan ng daughter niya). Hindi nagpatalbog si Tessa dahil nag-gown siya at nagsuot pa ng korona, na hiniram daw niya sa nanalong Miss Earth, huh! ‘Yung mga tao raw sa premiere night ay naglalapitan sa kanya at nagtatanong kung saang part siya ng pelikula. Akala raw ng iba ay kasali siya sa cast ng Enchanted. *** Kasabay ko rin sa PR 113 ng PAL si Direk Elwood Perez. Naloka ako sa kanya dahil pagpasok pa lang namin papunta sa flight gate ay umiiyak na siya. Naghatid kasi kay Direk Elwood ang dalawa niyang kapatid, sina Cherie at Ralph, pati ang sister-in-law niya at ang kaibigang si Ms. Marie Labid. Nalungkot kaagad si Direk Elwood dahil mami-miss daw niya ang kanyang pamilya, na lahat ay based na sa L.A. Feeling ko ay eksena sa pelikula ang pinanonood ko habang umiiyak si Direk Elwood. "Emotional talaga ako. Eh, ayoko rin namang tumira sa Amerika, kaya sandali lang ako. Pero I will definitely miss my family," sey niya sa akin, habang nakapila kami papasok sa departure area. Kahit emotional si Direk Elwood, masaya pa rin daw siya dahil tumanggap siya ng special award sa Reflections Awards ni Monet Lu. "Sayang at hindi nakasama ang father ko sa awarding. Hindi tuloy niya nakitang tumanggap ako ng award," sey pa ni Direk Elwood. Isang taga-L.A. ang gustong magprodyus ng pelikula at si Direk Elwood ang kinukuhang direktor. Inimbitahan ako sa contract signing nila, pero ‘yung prodyuser na ‘yon ay ‘yung same producer dapat ng pelikula nina Sunshine Dizon at Polo Ravales three years ago na hindi natuloy at hanggang presscon lang. Sey ni Direk Elwood, gusto ng bago niyang prodyuser na magpa-presscon na sila. Hindi kaya hanggang presscon lang ang pelikulang ‘yon at hindi na naman matutuloy? *** Kasunod ng flight ko ang flight nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez. Sabi ni Bisaya, kailangan nang bumalik ni Tito Eddie ng Pilipinas dahil magsisimula na ito sa bago nitong proyekto sa ABS-CBN 2. After 40 years ay ngayon lang uli magkakaroon ng regular TV show si Tito Eddie sa Dos. Noong 1968 daw ay may The Eddie Gutierrez Show ang mister ni Bisaya sa TV station ng mga Lopez at nakatutuwa raw na in-offer-an na naman ng Dos ng regular TV show ang premyadong aktor. Excited na rin si Tito Eddie sa pagsisimula ng taping ng bago niyang series sa Channel 2. Katulad ng anak niyang si Ruffa, Kapamilya na rin si Tito Eddie. *** Presscon ngayon ng movie nina Rufa Mae Quinto at Ai Ai de las Alas kaya matatanong ko na si Direk Wenn Deramas kung totoong nagalit si Direk Chito Rono sa pang-i-spoof nila sa Sukob movie nito. Ang balitang nakarating sa akin, sumama ang loob ni Direk Chito dahil ang paalam lang sa kanya ay ‘yung wedding scene lang sa Sukob ang ii-spoof, pero halos buong movie na raw ang in-spoof doon. *** For feedback, email junlalin@gmail.com or text +63922-891-9989. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|