Jun Lalin

Alfie Lorenzo

Allan Diones

Abu Tilamzik  

ENTERTAINMENT

Wendy, nag-hello ang pubic hair


WENDY VALDEZBininyagan ang anak nina Mark Lapid at Tanya Garcia nu’ng Linggo. Masayang-masaya ang dalawa dahil sa kanilang baby girl Mischa.

Pinili nina Mark at Tanya na manahimik hanggang sa makapanganak ang huli dahil medyo delikado ang pagbubuntis noon ni Tanya.

Mga six months na raw noon ang ipinagbubuntis ni Tanya nang umalis sila pa-Amerika dahil mas gusto nilang tahimik lang lalo na’t medyo magulo pa noon ang isyung annulment ni Mark sa dating asawa.

"Marami pong problema nu’ng una na personal. Ang dami ko nang nasabi noon na lumabas at umabot pa sa court kaya ayoko ho munang magasalita ng kung ano pa because nasa trial ho kami ngayon, and I’m just gonna wait for the decision of the court," pahayag ni Mark Lapid.

Ayaw munang magsalita ni Tanya tungkol sa panggugulo sa kanila noon.

"In time magsasalita ako about that pero ngayon kasi I’m just super happy that I have Mischa and I have Mark here. I have my family, I have my friends, so, wala muna akong masasabi riyan. Basta I’m very happy," pahayag ni Tanya.

Kapag natapos na raw ang problemang iyun sa korte, saka nila sasagutin ang balak na pagpapakasal. Ipinangako ni Mark na si Tanya na ang babaeng makakasama niya habang buhay kasama ang kanilang anak na si Mischa.

***

Nakini-kinita ko nang mag-e-enjoy kayo sa ‘Tigbakan’ ng Startalk sa Sabado dahil sa dami ng katigbak-tigbak na suot ng mga dumalo sa 21st Star Awards for TV.

Isa sa hindi mo pwedeng dedmahin ay ang suot ni Wendy Valdez na puting Mexican-inspired na gown with matching flowers sa ulo.

Hirap na hirap si Wendy sa pagdadala dahil mahaba ang train sa likuran na kailangang may sumusunod para hindi maapakan ang laylayan.

Sumusunod sa likod ni Wendy ang designer daw na gumawa ng gown na iyun at parang ipinagmamalaking bongga ang nagawang gown.

Kung anong haba nito sa likuran, siya namang iksi sa harapan kaya hindi na malaman ni Wendy kung ano ang gagawin sa suot niya habang naglakakad.

Isang reporter ng isang talk show ang nakasilip ng pubic hair ni Wendy sa may harapan dahil sa iksi nito at minsan ay naaapakan pa ang bandang likuran.

Nakita niyang may suot itong panty pero sobrang skimpy. Naaapakan ang bandang likuran ni Wendy kaya may sumilip daw ng ilang hibla ng pubic hair nito.

Okay na magsuot ng ganun ka-daring na damit pero sana, kayang dalhin at panindigan ang ganu’ng suot.

***

May interview si Ricky Lo kay Manay Lolit Solis para sa The Ricky Lo Exclusives na mapapanood mamayang gabi sa Q-11.

Napag-usapan nila kung tanggap na ba nitong makukulong siya sakaling ma-convict sa kasong libel na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby.

"Hindi ko pinangarap na sa kulungan na ako dinadalaw ng  apo ko, ‘no," tili ni Manay Lolit.

Ngayon lang niya napagtanto kung bakit sa dami  ng mga intrigang kabadingang ibinabato kina Piolo at Sam, siya lang ang idinemanda.

Kasi, kung iba ang idinemanda nila, mapag-uusapan ba? Iba nga naman kung Lolit Solis ang idedemanda at kinalaban nila. 

Lumaki tuloy ang isyu at napapag-usapan na tamang-tama, malapit na ang concert ni Piolo sa Araneta Coliseum.

***

Mataas ang pagsisimula ng Kamandag (ni Richard Gutierrez) nu’ng Lunes. Ang Marimar (ni Marian Rivera) na naurong ang timeslot ay consistent na mataas.

Narito ang overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng LUNES (Nobyembre 19):

SiS 10.8% vs. Boy and Kris 8.7%;

Takeshi’s Castle 14.6% vs. Game Ka Na Ba 17.3%;

Eat Bulaga 21.6% vs. Wowowee 18.1%;

Daisy Siete 21.6% at Pasan Ko ang Daigdig 17.6% vs. Prinsesa ng Banyera 10.1%;

My Only Love 16% vs. Pinoy Movie Hits 13.2%;

Couple or Trouble 16.1% at Whammy 24.3% vs. Deal or No Deal 21.6%;

24 Oras 34.5% vs. TV Patrol 26.5%;

Zaido 36.7% vs. Princess Sarah 23.6%;

Kamandag 42.7% vs. Pangarap na Bituin 23% at Lastikman 20.6%;

Marimar 43.3% vs. Pinoy Big Brother 20.8%;

La Vendetta 28.8% vs. Ysabella 15.9%;

Hwang Jini 22.4% at Kung Ako Ikaw 14.4% vs. Bandila 9.6%.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top