|
|
ENTERTAINMENT
JUDAY, BINABOY SA TEXT
Never even at one time na pinatulan namin ang imbitasyon/temptation ng IM/CHIKKA na ito. Nakalinya ang telepono ko kaya hindi ako papatol sa tsikahan sa computer, ‘noh! Kaya pag may nagtext sa amin mula sa IM/CHIKKA, kaagad naming sinasagot ng BLOCK. Twenty-five (25) damaging text messages ang ipinadala sa amin ng hayop na ito na nagtatago pa sa pangalan ng ampon ni Juday na si Yohan kaya ang kanyang ‘alias’ ay Pyohan Santos, huh! Text ng animal: from Pyohan Santos 23710-0276-2421 "Magkadate daw ngayon (Linggo, Nobyembre 18) sina Juday at Derek sa Trinoma? Panu ba ‘yan, totoo pala ang blind item na sila nga ‘yun!" (time message sent: 3:15 PM Sunday) Second message at 3:18 PM sunday. From Pyohan Santos 23710-0276-2421 "Ang ibig sabihin, sila na sa totoong buhay?" Note: Pyohan has added you to his/her list of friends in MyGlobe IM/CHIKKA. If you don’t know this person pls. reply with the word BLOCK. To send txt msgs for free, visit chikka.com. Your id is 63917-844-8888. For your password, txt password to 2371. Only P2.50/txt sent. Kaagad naming tinext ang word BLOCK. Hindi pa rin tumigil ang hinayupak na Alagad ni Satanas! Nag-iba ng number ang anak ng teteng. From Pyohan Santos 23710-0772-5189 "Bakit mo ako bina-block? Natatakot ka malaman ang totoo na malandi ang alaga mo. Dala-dalawa ang kinakanti! Bakit hindi mo icheck kung asan siya ngayon?" (message sent 3:27 PM) Note: Pyohan Santos has added you to his/her list of friends in MyGlobe IM/CHIKKA. If you don’t know this person pls. reply with the word BLOCK etc. etc. Ay punyeta! I type the word BLOCK! BLOCK! BLOCK! a thousand times but still, MyGlobe IM/CHIKKA kept sending me dirty text from this cannibal. From Pyohan Santos 23710-0772-5189 "Sina Juday at Derek ngayon nasa motel kaya? After Trinoma dun sila pupunta knowing Derek?" From Pyohan Santos 23710-0772-5189 "Kaya pala in love din ang Juday kay Derek at ang bansot, tahimik lang! Hahahahaha!!! Mas may appeal si Derek kung sa bagay at masasarapan du’n si Juday kesa sa bansot! Balita ko, kasama nina Juday at Derek ngayon ang barkada ni Derek! Baka mamaya solo na sila!" (time sent: 3:29 PM) Note: Pyohan Santos has added you to his/her list of friends in MyGlobe IM/CHIKKA... ay punyeta, tigilan ako, ‘noh! Even if i typed the word BLOCK, na-block ba naman itong unggoy na itong walang celfone kasi? From Pyohan Santos 23710-0772-5189 "Mas gusto namin ‘yun, Mr. Alfie lorenzo! Mas pabor kami sa Derek-Juday! At eto pa, hindi totoo ang Angelika at Derek! Tinikman lang ni Derek ‘yun! Pero mas gusto niya tikman si Juday!" (time sent: 3:30 PM) Note: Pyohan Santos has added you to his/her list of friends... ay letse! BLOCK! BLOCK! Tse! Ano kaya kung pagbabatuhin ko ng bloke-blokeng hollow blocks ang lintek na perhuwisyong IM/CHIKKA tse! na ito? Tablan naman kaya? 23710-0772-5189 "Sige Alfongga! Hindi mo maiiwasan ang ma-in love sina Derek at Juday ! Kawawang bansot! Napag-iwanan na naman! Hahahaha!!!" (time sent: 3:32 PM) 23710-0772-5189 "Mamaya nasa motel na ang Derek at Juday, wala ka nang magagawa! Ang alaga mo magaling pumili ng ---------------------! (time sent: 3:32 PM) 23710-0772-5189 "Mas malaki siguro ‘yung kay Derek kesa kay bansot kaya mas pinili ni Juday ang Derek Ramsay! Hahahaha!!! Bansot nga naman, bansot din ang ---------------! Hahahaha!!! (time sent: 3:34 PM) 23710-0772-5189 "Sori, di mo ko maiiwasan kahit na pa-block-block ka pa riyan! Huwag kang umiwas! Makipaglaban ka! O baka naman suko ka na sa kalandian ng alaga mo! (time sent: 3:36 PM) 23710-0772-5189 "Ang alaga mo, malandi! Nakikipaglandian kay Derek! ‘Yan ba ang role model? Totohanan na pala ang nangyayari sa Ysabella! Di pa alam ni bansot! Matalino nga naman, nalusutan ng kalandian ng syota! Sarap na sarap siguro si Juday kay Derek!???? (time sent 3:39 PM) 23710-0772-5189 "Ang landi kung makaakap pa kay Derek, ang swerte naman ni Juday!" (time sent: 3:41 PM) 23710-0772-5189 "Siguro, gagawin din nina Juday at Derek ang ginagawa nilang pagtatago nu’n! Hahahaha!!!" (time sent: 3:43PM) 23710-0772-5189 "Tatagu-tago tapos nasa motel na pala ang dalawa! Nagpapakasarap sa kama! Si Derek pa? Hindi pwedeng hindi niya gawin ‘yun!" (time sent: 3:45 PM) 23710-0772-5189 "Bakit ka ba block nang block! Sira ka pala! Ako itong nagbabalita sa iyo kung nasan ang malandi mong alaga na nakikipaglandian ngayon at 4:00 PM kay Derek Ramsay sa Trinoma at pagkatapos tuloy ng motel hahahaha!!!!!" (time sent: 3:47 PM) Oh debah, sa oras na lang eh advanced pa ang impaktong ito sa imbento niya! Wala pang 4:00 PM nu’ng i-send niya itong mga inimbentong text eh ibinabalita na ang mangyayari? Hindi si Juday ang tinawagan namin dahil never kaming nagduda na magagawa ni Juday ang inimbentong ito ng junior ni Satanas. Si Derek Ramsay mismo ang tinext ko kung nasaan siya nang oras na ‘yun. Derek text me at 3:51 PM informing me he’s in Tagaytay. 23710-0772-5189 "Sige ha, aabangan ko na lang ang sex video nina Juday at Derek na lalabas matapos nila pumunta ng motel ngayon! Good luck! Ang Juday, ang landi-landi! Landi! Landi!" (time sent: 3:50 PM) 23710-0772-5189 "Kahit pala anong bantay ni bansot at kahit bantay n’yo sa alaga n’yo, nakakalusot pa rin mailabas lang ang init ng katawan kay Derek!" (time sent: 3:51 PM) Tinext ko uli si Derek Ramsay at biniro kong nasa Trinoma pala siya at wala sa Tagaytay. At 3:55 PM Derek insisted nasa Tagaytay nga siya playing frisbee. Napa-ha??? pa nga ang Derek. 23710-0772-5189 "Ano hinihintay kita! Wala ka na ba? Natabunan ka na ng kahihiyan ng kalandian ng alaga mo!" (time sent: 3:59 PM) 23710-0772-5189 "Yung sex video, aabangan ko ‘yun! Parang sex video nina Angelica at Derek. Ngayon nina Juday at Derek naman! Si Derek talaga, masyadong mainit sa kama kaya pati si Juday, naikama na rin! Kawawang bansot!" (time sent: 4:00 PM) Dinedma ko lang ang mga text ng kampon ng demonyong ito kaya siguro inis na inis. Hindi ko finorward ang mga imbentong text na ‘yan kina Derek, Juday o Ryan. My phone rang at 4:03 PM. Tumawag si Derek, curious siguro siya dahil for the first time eh nagtanong kami ng whereabouts niya. Kaya nga ang tanong niya when I hellowed him: "Bakit po, tito?" And I told him nasa Trinoma pala sila ni Juday at nagtuloy sa hotel. "Ano?" medyo iritadong tono ni Derek. Iyun nga, ikinuwento ko ang mga imbento nu’ng texter na hindi pa nga nangyayari eh na-predict na ni Satanas mismo! At komo hindi nakatanggap ng reply mula sa akin ‘yung kampon ni Satanas, either ipinasa niya ‘yung inimbentong balita sa mga kapwa niya Satanistas o siya mismo ang kunwari eh nakabalita ng mga tinext niya sa amin. Heto na itong kaisa-isang nagtatanong… +63905-372-8658 "May shooting ba sina Derek at Juday ngayon?" (Ha? Bakit? May ginawa ba silang pelikula? Uyyyy, fishing. Ni-ring-up pa kami nito to be sure na naka-on ang phone namin!) Oh, heto naman ang kunwari ay nagpapaka-concerned! +63919-470-5926 "Tito A, alam n’yo na po ba na may sex video raw sina Juday at Derek na lalabas? Magka-date daw sila ngayon?" Dinedma ko rin. Kung fans talaga ni Juday ang mga ito, ni katiting na pagdududa ay hindi sasagi sa isipan nila. Ang mga nagpapaniwala sa mga paninira ng iba at pinakakalat eh hindi karapat-dapat tawaging fans ni Juday dahil in 20 years na nandiyan sa showbiz si Juday, never siyang na-involve sa eskandalo at nananatili siyang role model ng mga malilinis na kabataang karamihan nowadays ay sex scandal ang hanap kaya hindi matino ang buhay at nananatiling isang kahig-isang tuka at hindi nakatikim ng stardom! (TATAPUSIN) |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|