|
|
SPORTS
UPDATE
Epektibo ang Singapore stint ng RP team Matapos ang Singapore stint ng RP men’s team tila hindi na nito kakailanganin ang reinforcement mula sa PBA para sa kanilang kampanya sa nalalapit na Southeast Asian Games. Ito ang pahiwatig ng statement ni Mikee Romero matapos na ma-sweep ng Pinoy cagers ang four-game tune up series nila na maaring pinaka-huli na bago sila sumabak sa 10-day biennial meet na idaraos sa Thailand sa Disyembre. Ayon kay Mikee sa text message na ipinadala niya ilang oras matapos na talunin nila ang mga mala-higanteng Australian team sa Singapore. "It seems that all the trips the RP team did purposely part of our preparations for Sea Games finally paid off", sabi ni Mikee sa kanyang text message. Kung inyong natatandaan, unang kumampanya ang RP Harbour Center sa bansang Brunei, Indonesia, Korea at nito ngang huli ay sa Singapore. Pero ang biyahe nila dito sa Singapore na marahil ang siyang nagpasya kung talagang kailangan nila ang tulong mula sa PBL, UAAP at NCAA particular sa PBA. Sa nasabing biyahe sa Singapore, tinalo ng RP-Harbour team ang Singaporean national squad, US Navy team, Euro Selection at panghuli ang Australian Slingers. Ayon kay Mikee, malaki ang naitulong sa kanila ng dalawang bago sa kanilang line-up na sina point guard Al Vergara at Ateneo Chris Tiu. Sinabi pa ni Mikee na ang sentro ng Australian team ay 6-11 at may average height sila na 6-7 dito lamang sa figures na ito napatunayan ng RP team na may average height na 6-2 lamang ay nagpapatunay ng kakayahan na talunin ang mga higanteng players. Nabanggit din ni Mikee na masyadong napahanga ni Jason Castro may taas na 5-10 ang coach ng mga Aussies kaya inalok siya ng two-year contract upang maglaro sa Australian pro league. Now, sa kuwentong ito ni Mikee na punong-puno ng pag-asa, I think puwede ng hindi humingi ng ayunda sa PBA lalo na’t pumayag na ang Hapee na maglaro si Gabe Norwood sa RP team. Pero kung magbibigay pa rin ang PBA tulad ng hinihingi ni Mikee na isang point guard and a big man well and good dahil lalong masisiguro na wala ng ibang medalyang kukunin ang RP basketball squad sa SEA Games kundi ang ginto lamang. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|