|
|
SPORTS
UPDATE
Ex-PBA imports sa NBA (Ramil Cruz) Dalawang dating imports sa pro league sa bansa ang pasok sa lineups sa dalawang teams sa 2007-08 NBA season ng Tate. Sila ay sina 6-9 forward Andre Brown at 7-0 center Earl Barron na mga naglaro para sa Ginebra at sa Red Bull sa 2004-05 Fiesta Conference. Magsusuot si Brown, 26-anyos at produkto ng DePaul sa college, ng kamiseta ng Memphis Grizzlies, habang si Barron, mula sa Memphis sa kolehiyo ay nasa pangatlong sunod na season na niya sa Miami Heat matapos siyang unang papirmahin noong 2005-06 pagkagaling na pagkagaling noon ng ‘Pinas. Nag-average si Brown, 24.4 points per game, 13 rebounds at 1.14 assists sa Kings subalit tumagal lang siya ng pitong laro matapos palitan si Eddie Elisma. Siya’y hinalinhinan pagkaraan ni Hiram Fuller. Sa apat na lumarong reinforcement, nabigo ang Ginebra na makopo ang huli sanang grand slam sa kasaysayan ng liga dahil sa pagpusisyon lang sa pangsiyam. Pinagharian nito ang transition Fiesta at ang Philippine Cup. Naigiya naman ng athletic at may mahabang mga braso na si Barron ang Bulls sa Final Four kung saan naisahan sila ng eventual champion San Miguel Beer sa limang laro sa semis. Sa 14 games, siya ay nakapag-ave. ng 26.9 ppg na 7th sa scoring list ng taong iyon, 15.4 rpg na 8th, 1.5 blocks per game na 10th bukod pa sa pagtersera sa free throw shooting sa 80.5 percent.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||
|
|