UMARANGKADA ANG TOYOTA!

Game na sa Kings si Caguioa

V-League semis ipapalo ngayon

Ex-PBA imports sa NBA


Laykdatan


 

SPORTS UPDATE

V-League semis ipapalo ngayon


Muli na namang magkakasukatan ang dalawang koponan na nagbabandera ng mga Thai imports na San Sebastian at Ateneo sa unang salvo ng semifinal round ng Shakey’s V-League Second Conference sa The Arena sa San Juan ngayon.

Tiyak na aabangan ang tapatan nina Thai reinforcement Bualee Jaroensri ng SSC at Lithawat Kesinee ng Ateneo sa engkuwentro nilang nakatakda sa curtain-raiser ng alas-tres ng hapon habang ang first conference champion na UST ay makakabangga ang Adamson sa main game ng alas-singko ng hapon.

Sa una nilang paghaharap sa elims ay tinalo ng Lady Stags ang Lady Blue Eagles sa loob ng limang sets sa pangunguna ni Jaroensri, na pumalo ng 29-attacks sa kabuuang 31-point kumpara sa 18 kills.

Ngunit malaking suporta pa rin ang kailangang ilabas ng mga local players upang mailusot ang kani-kanilang koponan papalapit sa Finals berth ng torneong inisponsoran ng Shakey’s Pizza.

Sasandig ang SSC, na kasosyo sa liderato ang UST sa 6-1 record sa pagtatapos ng elims, sa balikat nina Laurence Ann Latigay, Rysabelle Devanadera, Jinni Mondejar at Melissa Mirasol, ang Lady Eagles, na may 5-2 slate, ay ipantatapat sina Ma. Rosario Soriano, Karla Bello, Denise Acevedo, Patricia Lyn Taganas at Bea Pascual. (Mark Escarlote) 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top