UMARANGKADA ANG TOYOTA!

Game na sa Kings si Caguioa

V-League semis ipapalo ngayon

Ex-PBA imports sa NBA


Laykdatan


 

 

SPORTS UPDATE

Game na sa Kings si Caguioa


Nasa 100 percent o wala pa sa kanyang fighting form, tiyak na pampagana sa kanyang tropa ang pagbabalik-aksyon ngayon ng isa pang key player ng Ginebra na si Mark Caguioa.

Ilalaklak ng defending champions ang bwenamanong back-to-back wins sa season-opening conference sa alas-7:20 ng gabing pakikipagboksing sa Air21 na tulad nila’y nais makipatong sa Sta. Lucia para sa sixth place sa standings.

Nasa triple-tie sa seventh place ang Kings at ang Air, gayundin ang babangga sa sumesegundang Magnolia (4-2) sa alas-4:50 ng hapon na Welcoat sa magkakaparehas na 2-4.

Liban sa unang anim na pakikidigma ng Kings, nagpagaling ang top scorer sa kanyang shoulder injury na nakuha sa paglalaro ng national team sa FIBA-Asia Championships sa Japan noong Agosto.

Unang sumalang sa kanya ng isang laro noong Sabado ang galing sa calf muscle na si Eric Menk, na bokya man sa 103-90 victory kontra Sta. Lucia sa Lagao Gym sa Gen. Santos City ay malaki ang ginampanan sa depensa.

Labis na kawawa ang Ginebra sa pagkahikahos sa starting five dahil kina Caguioa at Menk. Subalit salamat sa huling pakitang-gilas sa Tuna Capital nina Jayjay Helterbrand, Mark Macapagal, Ronald Tubid, Sunday Salvacion at Rafi Reavis na nagtakas din sa team sa tatlong semplang. Ang apat bukod sa depensa’y nagtulos ng mga dobleng pigura sa pagdomina ng kampo nila sa SLR.

Kapwa pakay naman ng Beverage Masters at Dragons na masundan ang huling pananalasa kasabay sa kapit sa kinalalagyan at pagbuhol sa quadruple-tie sa 7th slot ng team standings, ayon sa pagkakabanggit. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top