|
|
SPORTS
UPDATE
UMARANGKADA ANG TOYOTA! Ni Mark Escarlote
Tinapos na rin ng Toyota ang three-game losing skid, nang makaarangkada rin mula sa 10-point deficit at tuluyang pagsagasa sa San Mig Coffee, 71-66, kahapon sa PBL. Naiwan pa sa 49-59 deficit sa third quarter, umarangkada ang Road Kings sa simula ng fourth period ng 14-2 run upang makakalas at hawakan ang 63-61 lead na kanilang hinawakan hanggang sa huli. Umangat ang karta ng Toyota sa 3-3 record habang ang Coffee Kings ay nalaglag sa 2-3 card. Nasungkit naman ng rookie team Pharex Medics ang kanilang unang tagumpay sa amateur league nang lagpasan ang Bacchus, 79-76, sa overtime. Nagtrabaho nang husto si Elmer Espiritu sa pagtatapos ng 24 points, kasama ang isang krusyal na basket at three-pointer sa nalalabing 2:58 ng overtime, na bumura sa three-point deficit at nagbigay ng kalamangan sa Pharex, 76-74. Humablot din ang 6-foot-3 University of the East stalwart na si Espiritu ng limang rebounds at dalawang block shots, kung saan ang pinakaimportante rito ay nagawa niya sa tangkang panablang tres ni Hans Thiele sa huling posesyon ng Bacchus, na bokya pa rin sa 0-5 record. "We’ve been playing decent basketball and working out hard, but always come out short in the end," ani Pharex coach Gian Carlo Tan, na nakuha ang 1-5 card. "Elmer carried us through in overtime, he scored crucial shots for us." Nagtapos ang regulation sa 67-all mula sa buzzer beater putback ni Ronnie Matias para sa Pharex. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|