|
|
ENTERTAINMENT
Gary at Nora, walang kupas
Bago ang show na ‘yon ay tinawagan ko ang misis ni Gary na si Angeli Pangilinan-Valenciano. Inimbitahan ako ni Angeli sa event ni Gary pero dahil papunta ako nang araw na ‘yon sa Ensenada, Mexico ay hindi ako nakapanood ng show na ‘yon. Ibinalita sa akin ni Tita Angeli na successful ang two-night show ni Gary sa Pechanga. "Enjoy talaga. Salamat naman," sabi ni Tita Angeli, na ibinalita rin sa akin na tagumpay ang iba pang shows ni Gary rito sa Amerika. Anyway, ilang mga kaibigan namin na nakapanood ng Pechanga show ni Gary ang nagsabing wala pa ring kupas ang premyadong singer. Totoo bang mas dinadayo pa ngayon ang shows ni Gary sa Amerika kumpara sa shows ni Martin Nievera? *** Naku, gusto kong bansagang ‘Lagare Queen’ ang Nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Aba, noong Linggo pala, bukod sa pag-attend sa Reflections Awards, may in-attend-an ding fundraising event si Mama Guy, huh! Despite all the intrigues and controversies ay mabili at marami pa rin ang nagmamahal kay Mama Guy, kaya kahit committed na siya kay Monet Lu, kinuha rin siya ni Maryann Samadi para sa One Voice (Feeding Families Through The Gift of Music) na ginanap sa Celebrity Centre Garden Pavilion. Puring-puri ni Maryann si Mama Guy dahil sa pakikiisa nito sa kanilang layunin na makatulong sa isang batang taga-Bulacan na nasunog nang aksidenteng pumutok ang mga paputok na ginagawa sa isang pabrika. Malakas daw ang hatak ni Mama Guy, kaya malaki rin ang nalikom na pondo ng samahang pinangungunahan ni Maryann. *** Sa Reflections Awards noong Linggo ay nahilingan ni Monet Lu na kumanta ng People si Mama Guy. Walang minus one kaya nag-acapella ang premyadong aktres. Walang kakupas-kupas ang kanyang boses. Hanga ang lahat sa galing kumanta ni Mama Guy at hindi totoo ang tsismis na lumipas na ang galing niya sa pagkanta! Ako nga, parang gusto ko na ring maging Noranian dahil magaling pa rin ang Nag-iisang Superstar. Wish ko na magtuluy-tuloy na ang magandang pagbabago sa buhay ni Mama Guy! *** Kahapon nag-first shooting day si Richard Gutierrez sa Valentine movie nila ni Marian Rivera under GMA Films and Regal Entertainment, at nag-live chat siya sa igma.tv ng GMA 7. Isang oras lang ‘yon, kaya ang sey sa amin ng mga tagahanga ng bida ng Kamandag, sana ay magkaroon ‘yon ng part 2. Aba, pati fans ni Richard sa New York (at iba pang lugar sa Amerika at sa Europe na rin) ay nagpuyat para maka-join sa live chat na ‘yon ng kanilang idolo, huh! Oo nga pala, excited na ang mga tagahanga ni Richard sa pagsisimula ng Kamandag sa Lunes. Miss na miss na kasi ng kanyang mga tagahanga ang binata sa Telebabad ng Siyete. Sa Amerika ay sa Disyembre pa magsisimula sa GMA Pinoy TV ang Kamandag, kaya may mga die-hard kay Richard na nag-uutos sa kanilang mga kakilala sa Pilipinas na i-tape na lang ang bagong show ni Richard at saka ipadala sa pamamagitan ng internet. Sa live chat ni Richard kahapon ay pinasalamatan niya ang kanyang mga tagahanga na sumusuporta sa kanya. Lahat ng kanyang mga tagahanga ay nangakong susuporta sa Kamandag. *** For feedback, email jun_lalin@gmail.com |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|