ENTERTAINMENT
Lolit, kakasuhan na nina Piolo at Sam
Controversial couples ang
tampok sa event ng Head and Shoulder nu’ng Miyerkules nang gabi sa
Fiamma sa Makati City.
Hindi nakasagot sina Alfred
Vargas at LJ Reyes kung sila pa rin ba hanggang ngayon. Pawang paligaw na
"We’re okay" ang sey ni LJ.
Sabi naman ni Alfred,
"Basta OK. After a long time, ngayon lang kami nakapag-usap.
Actually, ngayon lang kami nakapag-usap in person."
Nagtinginan lang silang
dalawa nang tina-nong kung sila pa rin ba.
Pero sa bahay ni Alfred,
nandoon pa rin ang sangkatutak na litrato ni LJ na nakapaskil sa halos
lahat ng bahagi ng bahay ng aktor.
Kaya medyo malabo pa rin sa
amin kung ano ba ang relasyon nila ngayon.
Hindi ko na kinulit si
Alfred tungkol dito dahil naramdaman kong mas gusto niyang manahimik na
lang.
***
Nasa event din ng Head and
Shoulder sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto.
Sa sagot ni Oyo, mukhang
iba na ang tinginan nila ni Kristine at hindi lang friends ang turingan
nila sa isa’t isa.
Tinanong si Oyo kung
nanliligaw ba siya kay Kristine. Sagot ng binata, "Sa totoo lang, ‘di
ako marunong manligaw. If ever may patutunguhan ang friendship namin ni
Kristine, iyun na ‘yun. Ayoko namang sabihing nanliligaw ako o anuman."
Sinundan ng tanong kung
mahal ba niya si Kristine, "Parang ganu’n na ‘yun," buwelta
agad ni Oyo.
Samantala, nag-react si
Kristine sa isyung nagkakamabutihan na sina Diether Ocampo at Bubbles
Paraiso.
Kung totoo ito, aminado si
Kristine na nagselos siya. "Magiging hipokrita naman ako kung
sasabihin kong wala. Di ko siya kilala at never kong na-encounter ‘yung
name niya (Bubbles). Magkita kami, ok sa akin. Di ko kasi alam the real
score so I cannot naman talk," pahayag ng aktres.
***
Ngayong
umaga na raw magpa-file ng kasong libel sina Piolo Pascual at Sam Milby
laban kay Manay Lolit Solis.
Nagtataka lang kami, bakit
sa Maynila sila magpa-file at meron agad presscon nang 9:30 AM sa Bayview
Park Hotel pagkatapos ng filing.
Bakit nga ba sa Maynila?
Gustong sariwain ang MMFF scam case na si Mayor Alfredo Lim ang alkalde
noon?
Ngayon ay si Mayor Lim uli
ang alkalde ng Maynila, may konek kaya dito nag-file ang dalawang aktor?
Sakop pa kaya ito ni Yul
Servo na isa sa mga konsehal ng district 3 ng Maynila?
Hindi ko na rin inalam kung
sino kina Piolo at Sam ang taga-Maynila.
Parang gustong magtago
ngayon ni Manay Lolit dahil tiyak na siya ang susunod na hahagilapin ng
media pagkatapos magsalita nina Piolo at Sam.
Ayaw munang magsalita ni
Manay Lolit sa ngayon at mabuting ang abugado niyang si Atty. Noel Malaya
na lang ang magbigay ng statement.
Ewan ko lang kung
magsasalita si Atty. Malaya dahil hindi ito mahilig magpa-interview sa
media.
Abangan na lang sa Startalk
bukas dahil isa ito sa pag-usapan sa 12th anniversary ng
naturang showbiz-oriented talk show.
***
Kaabang-abang ang inihanda
ng Startalk
sa kuwento nina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado.
May kinalaman ito sa
pag-iyak ni Lani sa Moms
kamakailan.
Nu’ng kinunan nila ang
episode na iyun, medyo down pa si Lani at sariwa pa ang sugat sanhi ng
pinagdaanan nila ni Sen. Bong kamakailan.
Hindi man deretsahang
pinag-usapan, obvious na may kinalaman ito sa huling isyung patuloy na
ibinabato kay Sen. Bong.
Ayoko nang idetalye kung
ano ito, pero abangan na lang sa Startalk
dahil parang inamin na rin nina
Sen. Bong at Lani na totoo ang mga naririnig natin.
Nilinaw ni Lani na hindi
siya nagbibingi-bingihan o nagpapakamartir.
Marami pa raw na mga isyung
alam niya at alam niya ang lahat, pero hindi raw siya ang tipo ng asawa na
kailangang ibilad sa kahihiyan si Sen. Bong at ang buong pamilya.
"Lagi ko namang
sinasabi sa kanya (Sen. Bong) na marupok din ako. Pwede rin akong bumigay
kapag hindi ko na makakaya.
"Pero iniisip ko pa
rin naman ang respeto at pagmamahalan namin sa isa’t isa kaya nandito pa
rin ako at magkasama kami just to keep the family," bahagi ng pahayag
ni Lani.
Bukod sa matinding
revelation nila sa YES magazine, mapapanood n’yo rin sa Startalk
ang pagtatapat ng mag-asawa, kaya abangan n’yo ‘yan!
|