Alfie Lorenzo

Allan Diones

Jun Lalin

Abu Tilamzik  


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

WHAT’S IN A NAME? (Part 1)

Hindi sisikat si Jon Avila! Period!


Ewan ko ba naman sa mga kaibigan kong writers sa ABS-CBN at hindi lang yata nauubusan na ng ideas for a good story kundi kulang na kulang din sila sa listahan ng mga pangalan!

Ano ang fascination ng mga writers concerned sa mga pangalang ‘Albert’ at ‘Andrew’?

Kapag narinig mo ang mga pangalang ‘Albert’ at ‘Andrew,’ ang unang sasagi sa isipan mo ay sina Albert Martinez at Andrew E, ‘noh!

Pero sina Albert at Andrew ay mga pangalan ng kambal na roles ni Ryan Agoncillo sa ongoing and very strong Ysabella.

Namatay na si Andrew, kaya si Albert na lang ang buhay!

JON AVILAKomo patay na ang character ni Andrew sa Ysabella, ibinigay na ang pangalang ‘Andrew’ kay Jake Cuenca sa Natutulog Ba Ang Diyos.

Pero buhay pa naman si ‘Albert’ sa Ysabella, bakit hindi na nahintay na mamatay ito (dahil hindi nga ito mamamatay, debah, Julie Ann Benitez?) at ‘Albert’ din ang pangalan ni Gerald Anderson sa ‘Cindy-rella’?

Can’t wait, huh!

Ewan ko ba, ang dami namang pangalang nagkalat diyan: Roldeo, Enrico, Jake, Maryo, Senedy, Laurenti, Jon, Johnny, Bebong, Sito, Freddie, debah, Julie Ann?

***

May Sarah Geronimo nga sa bakuran ng ABS-CBN, akalain mong i-remake na naman ang Princess Sarah ng buntis na ngayong si Camille Prats?

Hindi na nga nagkasya sa pagkakaroon ng isa pang prinsesa, si Kristine Hermosa na Prinsesa ng Banyera, sinapawan na ito ng Princess Sarah, ano bah!

Dalawang prinsesa na ‘yan, ha, Julie Ann Benitez! Wala nang pag-asa talagang maging ‘reyna’ si Judy Ann Santos dahil dalawang prinsesa na ang nagtutulung-tulong sa kanya!

Sana, gawin ng GMA-7 ang Reyna Elena para matodas ‘yung dalawang prinsesa, ‘noh!

***

Batu-bato itong si Jon Hall. Pogi, malaking katawan, malaki ang hinaharap, malaki ang lahat! Wala ka nang hahanapin pa.

Obvious sa mga brief na suot niya sa bench. Markang-marka. Hindi maitago ang dapat magmarka!

Hayun nga at nabugbog niya sa boxing si.... sino nga ba ‘yun?

Pero bakit hindi sumikat ang isang tulad ni Jon Hall? Ano’ng kulang? Pray tell me nga!

May isa na namang Jon ang papasok sa kuwadra ng Magic Kingdom. Itong pinasisikat ni Kuya sa bahay niya na si Jon Avila.

Ay sus, ginoo! Akala n’yo ba, porke hindi sumikat itong si Jon Hall ay sisikat naman itong si Jon Avila?

Hoy, malayo, ‘noh! Malayung-malayo kahit na ano pang pag-aalaga at pagbe-babysit ang gawin ng Magic Kingdom and the handlers.

Ngayon pa lang ay sinasabi ko nang, ‘Hindi sisikat si Jon Avila! Period!’

Anong sey mo, Pete A.? "Period! Walang comma!"

Know why? Walang kislap ang mga mata ni Jon Avila. So, walang emotions that can be drawn out from him!

Nasayang na naman ang efforts ni Kuya!

***

Again, may kakulangan nga kaya tayo sa mga pangalang dapat gamitin bilang screen names?

Bakit nagkakapareho ‘yang mga pangalang ‘yan?

Pinakamarami sa mga salsal nang pangalan itong kay ‘Mark’ (Roces?) dahil siguro sa kagustuhang mag-MARK-a sa isipan ng publiko kaya ito ang pinili nilang gamiting screen name even if I doubt kung tunay nilang pangalan ‘yang ‘Mark’ na ‘yan, huh! Humanda kayo!

Mark Herras is the most popular Mark nowadays. Followed by Mark Bautista, the singer-actor na gumanap na bading sa MMK last week.

Then there’s Mark Anthony Fernandez na kasama sa bagong teleserye ni Richard Gutierrez na Kamandag. Andyan pa rin si Mark Gil, kahit busy na rin ang mga siblings niya. Hinahanap ang whereabouts ng dating Porno King na si Mark Joseph.

***

Having five managers all at the same time doesn’t guarantee easy stardom that fast. In fact, nakasama pa mandin para kay Jake Roxas who would have been another Richard Gomez.

As Roxas exit frame, here’s Jake Cuenca presently making hay with left and right TV shows which left us wondering, when will he prove his box-office worth via films?

Jake Tordesillas has proven his genius via the numerous movie scripts he has done which Direk Maryo J. transferred into films.

And our idol Papa Jake Macasaet is a born fighter and icon of a publisher!

***

Mas mabilis sumikat ang English-speaking Sam Milby ng ABS-CBN kesa Sam Concepcion ng GMA-7.

Paspas ang dapat gawin ni Sam Concepcion para maabutan niya ang naabot na ni Sam Milby.

Ayaw ni Uncle Sam ng ganyan!

***

Among the three Gerald’s naman, it’s Gerald Anderson who’s making waves currently, while Gerald Madrid has waved good-bye to Alma Moreno and politics?

What about Gerald Santos, will he be able to carry us on his wings of songs?

Speaking of Alma, whatever happened to Alma Concepcion now that there’s a Valerie Concepcion and a looming KC Concepcion? Saan kaya ang alma mater nila ni Alma Moreno? (Tatapusin)

 

 

***

Among the Paolo’s, who’s fourth on the list, Paolo Abrera? Paano na si Paolo Bediones?

And what about Paolo Contis? Konti lang ang labas niya at wala siyang pelikula? Hoy, Lolita, natutulog ka yata sa pansitan, ha!

Luma silang lahat kay Paolo Ballesteros sa pagmu-mujer niya, huh! Super-gandang Espanyola si Ballesteros and he could have won ‘Miss Earth’ hands down kung naligaw lang siya sa pakontes.

Lalo na naman sa Thailand, he could have won hands down, panty down too, with his beauty, despite na hindi pala siya bading, huh!

***

Eh sina Ian de Leon at Ian Veneracion, kumusta na ang mga career nila?

Mabuti pa yata si Ian Valdez at may exposure siya every Saturday evening at 6:00 PM sa UNTV Chika Mo, Chika Ko -- da best!

***

Ronnie Lazaro is still around. But where is Ronnie Quizon? Alam natin kung nasaan na si Ronnie Poe.

Pero batiin naman natin si Ronnie Carrasco III na nanalong kagawad sa Pasay, huh, minus the help of Startalk, dahil siguro sa back into writing si Carrasco kaya he won as the #7 kagawad?

Masyado siyang identified sa GMA 7, ha?! Pati sa politics, taglay niya ang favorite number niya!

***

Jeffrey Santos and Jeffrey Quizon are still around. Eh kumusta na kaya si Jeffrey Veloso?

Bakit kasama siyang naglaho sa eksena nina Via Veloso at  Jojo Veloso?

***

Jon Hall and Jon Avila, milagro kung sisikat pa sila. Buti na lang, hindi nag-join sa kanila si John Estrada who had the guts to put an ‘H’ sa namesung niya which stands for ‘help’ kaya whatever scandals he involuntarily get into --nalulusutan niya dahil may ‘h’ (pwede ring ‘edge’) over the rest, debah, Janice!

Ay, sabay rin palang naglaho sina Janice de Belen at Janice Jurado sa eksena sa pelikula, huh!

Hayun tuloy at ang bulgar na si Janice de los Santos ang umeksena na. In fairness, Santos kasi siya kaya siya nagka-name, ‘noh!

***

Imagine n’yo, baby pa lang si Gina Alajar nu’ng kasikatan ni Gina Pareño sa Sampaguita Pictures, heto at namamahinga na si Alajar, kung kelan pa nagkaedad ang Pareño ay saka siya umaani ng tagumpay around the world na ang uwi palagi ay mga tropeo ng karangalan!

Kaya nga bongga ang sister n’yo sa Ysabella, inaabangan sila ni Juday around the world, would you believe!

Ang hindi ko yata ma-take ay ang mga kapangalan ni Ryan Agoncillo -- pwede-pasar na sa akin si Ryan Seacrest -- pero ang pangalang Rhyan Ramos at babaing Rhian Ramos ay nakaloloka na yata.

Pwede bang inglisin? This is too much! Ayos!

***

Mabuti na lang hindi pa nase-xerox ang mga pangalang Edu (Manzano), Yul (Servo), Aljur (Abrenica), Rainier (Castillo), Prince (Stefan), Bruce (Quebral), Uma (Khouney), Kian (Kazemi), Derek (Ramsay),  Vandolph (Quizon).

A warning though. Never even attempt to use Alfie as screen name, or even Lorenzo.

Lahat ng gumamit ng pangalang Alfie ay nawala sa showbiz, which only goes to prove na nag-iisa lang ang Alfie sa mundo ng showbiz!

Not even Alfie Anido was able to outlive me.

At ‘yung mga gumamit ng lorenzo -- from Lorenzo ‘Tata’ Mara to Enzo Cruz to Lorenz Silva, to William Lorenzo never made it to stardom!

Matigas to-its, pare, matindi. Hindebah, Julie Ann Benitez?

So now, I hope you have learned something in today’s lecture. Just bear in mind na isaulo ninyo ang mga nababasa ninyo rito para mas lumawak pa ang inyong mga kaalaman sa showbiz.

We are a walking encyclopedia, an old man who doesn’t feel nor look old for his age at buo pa ang memory -- wala pang memory gap kahit na hindi uminom ng Centrum Silver eh buo pa ang memory lane niya.

Kaya ako naman ang magdadayalog ala-Piolo-Angel-and- Sam:

"I am complete!" Happy to say that!

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top