Alfie Lorenzo

Allan Diones

Jun Lalin

Abu Tilamzik  


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Pops, handang harapin si Martin


Pops FernandezItinanggi ni Pops Fernandez na nag-iwasan sila ng ex-husband niyang si Martin Nievera sa concert ni Beyonce at sa isang showbiz party.

"No, I didn’t see him sa Beyonce concert. Ang daming tao naman du’n, eh! Hindi ko rin siya nakita sa party (ng ABS-CBN executive na si Deo Endrinal), pero nalaman kong nandu’n siya," dayalog sa amin ni Pops sa presscon kahapon ng December 8 concert niya sa Araneta Coliseum na Diva-licious.

So, hindi niya iniwasan si Martin?

"In fairness sa akin, hindi ko siya iniwasan. Ha! Ha! Ha! Walang gano’n."

Ang sabi-sabi ay may nakarinig daw kay Martin na nagdayalog doon sa nasabing birthday party na sabihan ito kapag nandu’n na ang kanyang ex-wife dahil "I don’t wanna bump into her."

"Hindi ko kasi narinig ‘yon, so hindi tamang mag-comment ako. Basta ang alam ko, when I arrived, he left," kaswal na sey ni Pops.

So, malinaw ‘yon na walang iwasang naganap?

"He left when I got there, there’s a big difference! Ha! Ha! Ha! Di ba? Umalis siya, hindi naman niya ako talaga iniwasan..."

‘Yun sana ang unang pagkakataon na magkakaharap at magkakausap sila ni Martin pagkatapos ng kanyang kontrobersyal na tell-all interview sa YES! magazine.

"Yeah, siguro it’s not the right time for us to meet. Baka hindi pa rin siya ready. But knowing me, I’ll probably smile lang. I won’t do anything nasty or bad. I’ll keep my space also.

"I’m the nicest ever! Maski galit nga ako, ‘di ba? Believe it or not, I’m nice! Ha! Ha Ha!

"Syempre naman, I have to make comments every so often to defend my children, but I am very nice. At saka hindi naman ako nambabastos. I never did that to anybody," pakli ng Concert Queen.

Aniya, hindi pa sila nagkakausap ni Martin dahil baka hindi pa ito ready. Siya ba ay handa nang harapin at kausapin ang dating asawa?

"Oo naman, siyempre! Kumbaga, kung hindi niya pa naiintindihan kung bakit masama ‘yung loob ko, gusto ko talagang malaman niya.

"Kasi, baka in denial pa rin siya, eh! So, gusto kong ma-explain ‘yung side ko sa kanya."

Ano bang nais niyang sabihin kay Martin?

"Siguro sa amin na lang ‘yon para mas personal. Syempre, it’s still very much about the kids pa rin," maiksing sagot niya.

May regrets ba siya sa pagsasalita sa YES! magazine na hindi nagustuhan ni Martin?

"I really don’t wanna talk about it. But as far as regrets, no. Syempre, you can’t please everyone, ‘di ba? Kaya lang, at the end of the day, lalung-lalo na ‘yung mga anak ko, mas naintindihan nila kung anong pinanggalingan ko. Kasi, hindi ko rin masyadong na-explain ‘yon sa kanila.

"So, sila pa mismo ‘yung lumapit na, without of course being sentimental or anything like that, parang mas na-appreciate nila siguro at mas naintindihan nila kung bakit ganito ‘yung sitwasyon namin."

Ano ba’ng sabi nina Robin at Ram? Nabasa ba nila ang YES! article?

"Nabasa ni Robin. My kids are raised very well. Sinabi nga niya (Robin) sa akin na, ‘It wasn’t a surprise for me.’ Kasi, kalahati ng nabasa niya, naaalala niya.

"Tapos, alam ko rin for a fact na sinulatan niya ang daddy niya. Tapos, sinabi rin niya na whatever it is that he read, that doesn’t change his feelings for his dad, which I really, really appreciate."

Bakit sa isang interbyu kay Martin ay parang iba ang sinasabi nito sa naging reaksyon daw ni Robin nang mabasa ang naturang article?

"I believe my son more. How’s that?" mabilis at malamang sagot ni Pops.

Okey lang ba sa kanya na sina Robin at Ram ay mukhang komportable kapag kasama ng mga ito (Sundan sa pahina 8)

ang amang si Martin at ang karelasyon nitong si Katrina Ojeda?

"You know my kids, ako naman, ‘yun din ang gusto ko because gusto ko ring malaman nila na we raised our kids very well. My kids are very polite. Kaya nga sumama ‘yung loob ko, di ba?

"Kasi ang feeling ko, wala ever silang narinig sa mga bata, sa mga anak namin. So, nu’ng medyo may narinig ako na hindi kagandahan (from Katrina), doon siyempre sumama ‘yung loob ko.

"Pero I would want them to get to know her (Katrina) more and I would want her to get to now my kids more, if only siyempre, ito na ‘yung sitwasyon namin...

"And I’m sure Martin will be getting married sooner than me, di ba? I would want that harmonious relationship.

"I just wanted to set the records straight na if it’s going to be like that, she also has to be very careful with the things that she says. ‘Yun ang naman ‘yung point ko. But I would want that siyempre," seryosong pahayag niya.

***

Hindi kasama sa lineup of guests ng Diva-licious si Martin at may mga nagsasabing hindi kumpleto ang 25th showbiz anniversary concert ni Pops kung wala si Martin.

"Everyone naman is invited. But honestly, I deserve the credit also. Although may part siya roon sa 25 years ko, most of the 25 years is also mine," katwiran ni Pipay.

Bakit hindi niya imbitahan personally si Martin?

"I don’t want to make it seem kasi na iniimbita ko lang siya dahil may concert ako. That means a lot to me, promise! May pride ako! Ha! Ha! Ha!

"Kumbaga, ‘yung mga nangyari kasi has nothing to do with the concert. Like I said, if it happens, then it happens..."

Paano kung biglang dumating si Martin at sorpresahin siya sa concert niya?

"Knowing him? He’s capable. He likes surprises, di ba? Siguro, abangan na lang natin. Nothing is planned. It’s very hard without Martin, so let’s see what happens.

"Sabi ko nga, knowing Martin, he’ll probably do a surprise. But then again, I won’t be surprised if he won’t do a surprise!" napapangiting sey ni Pops.

Nami-miss ba niya si Martin?

"Hindi. How can I miss him eh, I have someone naman! Ha! Ha! Ha!" tawa niya, na ang tinutukoy ay ang nobyong si Jomari Yllana.

Wala bang part 2 ‘yung mga isiniwalat niya tungkol kay Martin?

"Gusto n’yo pa ba ng part 2? Ha! Ha! Ha! Oh my God! Okey na ‘yon!"

Anong reaksyon ng ina niyang si Dulce Lucban nang mabasa nito ang revelations niya about Martin?

"The honest reaction? She was mad at me. You know why? Kasi, nagsalita na rin daw ako, hindi ko pa sinabi lahat!" natatawang bulalas ni Pops.

Sina Gary Valenciano, Kuh Ledesma, Billy Crawford, Jay-R, Kris Lawrence at Sharon Cuneta ang guests ni Ms. Pops sa Diva-licious.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top