|
|
ENTERTAINMENT
Matt Damon, pinakaseksing lalaki
"You gave an aging suburban dad the ego boost of a lifetime," sabi ni Matt sa liham na inilathala ng magasin. "My 9-year-old stepdaughter now thinks I’m cool -- well, cooler." Kasal si Matt kay Luciana Bozan at isang taong gulang pa lang ang anak nilang si Isabella. " I was really shocked and happy (Lucy said I actually blushed) when I heard the news. So I can’t thank you enough for that," sabi pa ni Matt. Nagsimula ang talaan ng People para sa ‘sexiest man alive’ noong 1985 (Mel Gibson). Kinilala ring ‘sexiest man alive’ sina George Clooney (1997 at 2006), Brad Pitt (1995 at 2000), Tom Cruise (1990), Mark Harmon (1986), Harry Hamlin (1987), John F. Kennedy Jr. (1988), Sean Connery (1989), Tom Cruise (1990), Patrick Swayze (1991), Nick Nolte (1992), Denzel Washington (1996), Harrison Ford (1998), Richard Gere (1999), Pierce Brosnan (2001), Ben Affleck (2002), Johnny Depp (2003), Jude Law (2004) at Matthew McConaughey (2005). Noong 1993 ay Sexiest Couple ang pinarangalan ng People, at pinili ng magasin sina Richard Gere at Cindy Crawford. Ang iba pang nasa talaan ng mga seksing lalaki ngayong 2007 ay sina Patrick Dempsey, Ryan Reynolds, Brad Pitt, James McAvoy, Johnny Depp, Dave Annable, Will Smith, Javier Bardem, Shemar Moore, Ben Affleck, Adrian Grenier, Will Yun Lee at Justin Timberlake. Ang report na ito ay hinalaw sa Associated Press (AP). *** Hitik na hitik pa rin sa katatawanan at kabulastugan ang Bubble Gang ngayong gabi sa GMA 7. Andiyan ang gags kaugnay sa CELLPHONE VIDEO SCANDALS. Ang TITA ay spoof ng patalastas ng Fita. Sa TRANSPORMA, ilalahad ni Ogie kung paano magyabang ang ilang tao. Sa OH MY INDAY, pinatay si Inday ng kanyang amo. Napunta sa langit si Inday at nagtagpo sila ni San Pedro. Sa AMO, inaabuso ng isang houseboy (Bitoy) ang kabaitan ng kanyang amo. Sa AYAW MAMATAY, ayaw ng isang aktor (Wendell) na magwakas ang papel niya sa isang telenobela. Ayaw niyang mamatay sa eksena at kung anu-ano ang palusot niya. Sa WALANG HIMALA, ang isang pari (Bitoy) ay hindi naniniwala sa milagro. Para sa kanya, lahat ng pangyayari ay may lohikal na paliwanag. *** Si Arvy Calderon ang nagwagi sa ikasampung weekly elimination ng Glamour Boys Season 2 noong Miyerkules nang gabi sa Lips Bar, 152 Aurora Blvd., San Juan, MM. Dalawampu’t anim (26) ang nag-qualify para sa grand finals mamayang gabi sa Lips Bar. Ayon sa casting director na si Jun Noya, 20 na sa mga ito ang nagkumpirmang lalahok. "Sulit ang entrance fee na P500 sa dami ng finalists sa modeling contest na ito!" bulalas pa ni Jun Noya. *** Hindi mapigilan ang pag-angat ng GMA Network sa nationwide ratings. Ayon sa NUTAM survey ng AGB Nielsen, bumaba sa 1.3% ang kalamangan sa people ratings ng ABS-CBN sa GMA noong Oktubre mula sa 2.3% noong Agosto. Sa Total Urban Luzon (76.2% ng kabuuang urban TV population sa bansa), nangunguna ang GMA sa ratings at audience share simula noong Setyembre. Dahil ito sa performance ng Kapuso sa Mega Manila, ganon din sa North at Central Luzon, kung saan umakyat ang lamang ng GMA sa ABS mula 2.2% noong Agosto hanggang 3.1% noong Oktubre. Sa people audience share, halos bumaba sa kalahati ang lamang ng ABS-CBN nationwide. Mula sa 11.6% na kalamangan ng Dos noong Agosto, lumiit sa 6.4% ang kalamangang ito noong Oktubre. Ang mga nangungunang programa sa Urban Luzon ay mula sa GMA. Nakuha ng Marimar, Mga Mata ni Anghelita, at Zaido: Pulis Pangkalawakan ang tatlong pangunahing pwesto sa listahan ng overall top programs sa Urban Luzon noong Oktubre. Sa Mega Manila, mahigpit pa ring pinanghahawakan ng GMA ang pangunahing puwesto. Noong Oktubre, 22 sa 30 pangunahing programa ay gawang Kapuso, at ang top 14 na programa ay galing din sa GMA. *** Sina Eric Fructuoso at Joem Bascon ang magbabakbakan sa Pinoy Mano Mano: The Celebrity Boxing Challenge bukas (Sabado) pagkatapos ng XXX sa ABS-CBN. "Natatakot ako na hindi ko masyadong masaktan si Joem," sabi ni Eric. *** May sneak previews ang holiday comedy na Fred Claus sa Lunes at Martes (Nobyembre 18 at 19) sa mga piling sinehan. Bida sa pelikula sina Vince Vaughn, Paul Giamatti at Rachel Weisz. Sa Nobyembre 28 ang regular showing nito sa mga sinehan sa Pilipinas.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|