|
Ang pitak na ito ay bukas at handang magpayo sa problemado ninyong puso. Isulat lamang at ipadala ang inyong mga liham sa Abante TONITE c/o Tita Nora, #167 Liberty Bldg. Roberto S. Oca St., Port Area, Manila.
|
PUBLIC
SERVICE
Magkaiba kami ng lahi Dear Tita Nora, Avid reader po ninyo ako. Sumulat ako para hingin ang advice ninyo tungkol sa boyfriend kong foreigner. Dito na po kami nag-meet sa bansa natin. Half American, half Chinese po siya. Next year ay may plans na kaming mag-settle down. Mahal ko po siya pero nag-aalangan ako dahil tuwing magkasama kami ay lagi kaming tinitingnan ng mga taong nakakakita sa amin. Bukod po doon ay marami kaming pagkakaiba sa mga bagay-bagay. Magkaiba rin kami ng nakalakhan at kultura dahil lumaki siya sa Tate at Tsina. Naiilang din akong pakisamahan ang mga mama niyang Chinese na dito ngayon naninirahan sa bansa natin. Nararamdaman ko rin naman pong mahal niya ako. Magalang nga siya at sweet sa family ko. Sana’y mapayuhan ninyo ako. Mariz
Dear Mariz, Kung mahal mo ang boyfriend mo’y sundin mo ang puso mo at huwag kang magpapaapekto sa anumang sasabihin ng ibang tao. Sabi nga nila’y makapangyarihan ang pag-ibig. Ang ‘hindi at mahirap’ kung minsan ay nagagawan ng paraan. Kahit foreigner pa siya at kahit magkaiba pa ang nakalakhan ninyo’t kultura kung mahal ninyo ang isa’t isa’y madali na ninyong maremedyuhan iyan. Mag-meet kayo halfway, iha. Pag-usapan at pagkasunduan n’yo rin ang mga ayaw at gusto ninyo habang maaga pa. At habang nagdadalawang-isip ka sa plano ninyong pagpapakasal ay hayaan mo munang magkakilala pa kayo nang husto. Timbangin mo kung makakaya mong mag-adjust o tumimbang sa kanyang nakalakhan at kung kaya o handa rin niyang pakibagayan ka’y huwag mo nang problemahin pa ang kaibhan ng inyong lahi. Goodluck and God bless you. Love, Tita Nora Ang pitak na ito ay bukas at handang magpayo sa problemado ninyong puso. Isulat lamang at ipadala ang inyong mga liham sa Abante TONITE c/o Tita Nora, #167 Liberty Bldg. Roberto S. Oca St., Port Area, Maila. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|